Paulo Avelino dumalaw sa It's Showtime, Kim Chiu tinukso-tukso

Paulo Avelino dumalaw sa It’s Showtime, Kim Chiu tinukso-tukso

Therese Arceo |March 16,2024
facebook
share this

Paulo Avelino dumalaw sa It’s Showtime, Kim Chiu tinukso-tukso

Therese Arceo - March 16, 2024 - 05:16 PM

Paulo Avelino dumalaw sa It's Showtime, Kim Chiu tinukso-tukso

HINDI mapigilan ng mga fans at supporters ng Kapamilya stars na sina Paulo Avelino at Kim Chiu nang dalawin ng aktor ang dalaga sa noontime program nitong “It’s Showtime”.

Sa episode ng segment nilang “EXpecially For You”, marami ang nagulat nang biglang bumisita ang Kapamilya actor.

Makikitang nakangiting kumakaway si Kim kay Paulo at maging ang co-hosts niyang sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Ogie Alcasid ay napa-wow sa hindi inaasahang bisita.

Hindi nga magkandamayaw sa pag-welcome si Vice sa pag-asikaso sa bisita habang makikitang tila kinakabahan naman sa kabilang dako ng stage si Kim.

Baka Bet Mo: Paulo Avelino: Industriya po namin ang nalulugi sa pamimirata

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Oh my God. Let’s pause for this. Ang aga naman. Hindi makapaghintay. Paulo, please come in. The house is open. May bisita tayo, ‘yung minindal, nasaan ‘yung minindal?” sey ni Vice.

Tinanong naman ng Unkabogable Star kung sino nga ba ang binibisita nito, kung si Tiyang Amy ba, o si Jackie, o si Lassy.

Sagot naman ni Paulo kay Vice, “Namalengke lang po ako tapos naisipan ko lang pong dumaan.”

At being Mama Vice, hindi mawawala ang pang-aasar nito kay Kim na ka-love team ng aktor.

“Pasensya ka na kasi nagtatrabaho kami. Magtatrabaho muna kami. Teka lang. Nakakahiya naman. Kim, pakiasikaso ang bisita. Kami na ang bahala [sa show],” tukso ni Vice kina Paulo at Kim.

Dagdag pa niya, “Bakit parang hindi mapakali? What’s wrong with Secretary Kim today?”

Nang makalapit si Kim ay makikitang agad silang naghawakan ng kamay ni Paulo.

Panay naman ang naging tuksuhan nina Vice at Kim at sinasabihan itong tabihan na ang aktor sa upuan.

Nang makatabi si Kim kay Paulo ay agad niya itong tinanong kung ano ang gusto nito.

“Ang gusto ko lang naman ay yung magmamahal sa akin,” sey ng aktor kaya naman napatayo si Kim at sabay hampas kay Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang kinilig kina Paulo at Kim kaya naman nag-trending ang dalawa sa X (dating Twitter).

Sabi naman ng isang netizen, “as a non-fan na chismosa lang at nagwowork with the media, gusto ko lang ispill na hindi for promo yung sa kanila kasi isa si paulo sa mga artistang mahirap utusan for promo.”

Simula sa Lunes ay binida na ang dalawa sa Filipino adaptation ng “What’s Wrong with Secretary Kim?” na mapapanood exclusively sa Viu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending