Paulo Avelino: Industriya po namin ang nalulugi sa pamimirata

Paulo Avelino: Industriya po namin ang nalulugi sa pamimirata

Therese Arceo - February 22, 2024 - 07:39 PM

Paulo Avelino: Industriya po namin ang nalulugi sa pamimirata

MARIING kinokondena ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang patuloy na lumalaganap na pamimirata ng mga pelikula at drama series sa Pilipinas.

Sa kanyang X (dating Twitter) ibinahagi ng aktor ang kanyang saloobin ukol sa isa sa mga problemang kinakaharap ng industriyang kanyang kinabibilangan.

Nag-tweet kasi si Kim ukol sa upcoming series nila na “What’s Wrong With Secretary Kim?” kung saan hinahamon niya si Paulo na sumayaw rin sa TikTok matapos umabot ng 2 million views ang kanyang TikTok entry.

“[emoji] 2M views in less than 24hours boss @mepauloavelino paano ba yan? I think ikaw naman ang sumayaw sa next tiktok ako naman ang mag chips! [emoji] deal??? #WWWSK this march 2024 only on @Viu_PH,” tweet ni Kim.

Sagot naman ni Paulo, “Kung walang pirata na lumabas ng WWWSK pag labas sa @Viu_PH . Kung meron kahit isa… Pass na ako. [emoji].”

Isang netizen naman ang nag-reply sa tweet ng aktor at sinabing imposible raw na mapirata ang kanilang series.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa Pinoy version ng hit K-drama ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’, aprub ba sa mga fans?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Bakit naman po imposible? Industriya po namin ang nalulugi sa pamimirata ng mga tv show o pelikula,” saad ni Paulo.

Aniya, hindi lang silang mga artista ang apektado sa pamimirata kundi pati na rin ang mga nagtatrabaho sa likod ng kamera na naghihirap magtrabaho at magbigay ng kalidad na palabas ngunit nanakawin lang at ipo-post o ibebenta sa social media.

“Hindi lang po kabuhayan namin ang apektado kundi pati narin ang kabuhayan ng lahat ng taong nag ta-trabaho sa likod ng camera. Hindi niyo sila nakikita o kilala pero apektado rin sila,” sey pa ni Paulo.

Giit pa niya, “‘Wag niyo pong gawing normal ang pamimirata ng mga palabas.”

Marami naman sa mga supoorters nila Paulo at Kim ang nangakong tutulong sa pagre-report ng mga makikita nilang mamimirata ng kanilang palabas.

“yes! and as fans, we will try our hardest to report those who will repost/pirate WWWSK,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Paulo Avelino Channeling His Vice Chairman Thing [emoji] True ka naman Dadz Unfair din Yun sa Amin na nagbabayad, it’s time na Bigyan Pansin ng mga Namamahala Yung mga nag Pipirata mga Yan it’s stealing at Bad Behavior Yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Omsim! Kaya walang ganong kinikita mga series and movies ngayon dahil sa mga namimirata at nagkakalat ng links ng mga pirated online. But we as solid KimPau fans and as part of KPUO i can say this on behalf of our members na kami mismo ang pipigil sa mga pirata na yan,” sey naman ng isa.

Hindi naman ito ang unang beses na kinondena ni Paulo ang paglaganap ng pamimirata ng mga palabas sa bansa.

Nabiktima na rin kasi ng panimirata ang 46th MMFF entry na “Fan Girl” na pinagbibidahan niya noon kasama si Charlie Dizon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending