Paulo Avelino nakukulangan pa sa akting niya sa 'Linlang': 'Nakikita ko lahat ng flaws at mali, lahat ng imperfections' | Bandera

Paulo Avelino nakukulangan pa sa akting niya sa ‘Linlang’: ‘Nakikita ko lahat ng flaws at mali, lahat ng imperfections’

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 07:39 AM

Paulo Avelino nakukulangan pa sa akting niya sa 'Linlang': 'Nakikita ko lahat ng flaws at mali, lahat ng imperfections'

Paulo Avelino, Kim Chiu at JM de Guzman

SA gitna ng mga papuring natatanggap mula sa mga manonood at netizens, nakukulangan pa si Paulo Avelino sa akting niya sa controversial Kapamilya series na “Linlang.”

In fairness, pinapalakpakan ng mga viewers ang aktingan, sampalan at batuhan ng maaanghang na dialogue ng mga bida sa “Linlang” lalo na nga sina Paulo, Kim Chiu, JM de Guzman at Maricel Soriano.

At knows n’yo ba na talagang kinarir ni Paulo ang role niya sa serye bilang si Victor, ang pinendehong mister ni Juliana (Kim) na kumabit sa kapatid ni Victor na si Alex (JM)?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagpapayat nagpataba at muling nagpapayat ang aktor para lang maging makatotohanan ang pagganap niya sa seryeng napapanood sa Prime Video streaming app.

Baka Bet Mo: Kim natakot sa pakikipag-love scene kina Paulo at JM sa ‘Linlang’: ‘Hindi ko naisip na gagawin ko siya in my whole acting career’

“Actually, parang siguro isang sacrifice na kinailangan isakripisyo yung pagtanggap ng ibang proyekto dahil hindi angkop dun sa look ko.

“And nagtataka yung ibang tao parang nagpabaya daw ako. Pero it was all to prepare for Linlang. Kumbaga yung dedication ko na ibinigay sa proyektong ito, binigay ko talaga.

“Hindi ako tumanggap ng ibang proyekto para matutukan ko ito. At the same time, ang dami ko ring disiplina na ininstill sa sarili ko para ma-achieve yung sa tingin ko makakatulong sa show in some way in terms of believability,” ang pahayag ni Paulo sa thanksgiving mediacon ng “Linlang” last October 31.

Pagpapatuloy pa niya sa ginawa niyang paghahanda, “Medyo struggle talaga dahil may ginusto ako i-achieve which is na-achieve naman which is sa weight and yung differences ng character development ni Victor until dito sa present nila.

“I’m very excited for the next episodes, medyo kawindang-windang yung mga mangyayari na hindi ini-expect ng mga tao.

“Pero at the end of the day, hindi yun yung mangyayari based sa nalalaman namin. So nakakatuwa rin na hindi ganu’n ka-predictable yung storya. Nalinlang rin yung viewers,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At nang tanungin nga kung paano niya ia-assess ang akting niya sa “Linlang”, parang kulang pa raw, “Kapag pinapanood ko kasi ang sarili ko, nagki-cringe talaga ako kasi ang nakikita ko lahat ng flaws, lahat ng mali, lahat ng imperfections.

“So kapag nakikita ko yung sarili ko parang gusto ko ulitin yung eksena tapos ayusin yung mga kailangan kong ayusin,” paliwanag ng aktor.

Baka Bet Mo: Maricel sa mga artistang gustong magpasampal sa kanya: ‘Naku, huwag! Masisira ang mga mukha n’yo!’

Natanong din si Paulo kung anu-ano ang good at ang bad sa kanyang karakter sa serye, “Siguro ang good is yung love niya talaga for his family. Kasi hindi niya nakukuha sa kinalakihan niyang pamilya, siyempre gusto mong ibigay yun sa magiging pamilya mo.

“Pero at the same time, du’n na napupunta yung minsan hindi mo ma-ri-realize na may ibang pangangailangan or like sabi nila sa isang relationship, communication is key.

“Parang yun lagi yung kulang ni Victor nung panahong kailangang kailangan siya ni Juliana I feel like with proper communication comes honesty.

“At pag honest kayo sa isa’t isa sa mga nangyayari sa relasyon niyo sa buhay niyo at sa nararamdaman niyo, malalaman niyo kung kaya niyong ayusin or hindi, mas madaling matanggap,” sey ni Pau.

Dugtong pa niyang chika, “Nu’ng pinitch sa akin ito, they kept telling stories of infidelity. Tapos itong mga istorya na ito, out of this world talaga na grabe na kumbaga pag narinig mo yung story ng Linlang, wala pa ito sa mga totoong story.

“So siguro kinonsolidate nila at ginawan nila ng kuwento yung mga nangyayari. It goes to show that we wanted the show to be as grounded as possible and as real as possible.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So kung sasabihin ng mga tao na imposibleng mangyari yan, nangyayari po ito. Nangyayari talaga ito kasi madaming pinag-basehan and in fairness to our researchers and our writers, maraming pinanggalingan itong mga eksena at itong mga pangyayari dito sa Linlang,” paliwanag pa ni Paulo Avelino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending