MRT-3, LRT-2 pahinga sa Semana Santa, walang biyahe sa March 28 to 31
ABISO sa lahat ng commuters, lalo na sa mga sumasakay ng tren!
Bilang malapit na ang Semana Santa, nag-anunsyo ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na nakatakda silang magsuspinde ng operasyon.
Ito ay sa mga araw ng Huwebes Santo, March 28 hanggang sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, March 31.
Ang dahilan, magsasagawa sila ng taunang Holy Week maintenance activities.
Baka Bet Mo: Sa MRT ‘May Right Timing’: Pasahero nag-propose sa dyowa sa Ayala Station
Saad sa Facebook post ng MRT-3, “Regular operating hours will be observed on Wednesday, March 27, with the last train trips at 9:30 p.m. from North Avenue Station, and 10:09 p.m. from Taft Avenue Station.”
“MRT-3 will resume its normal operations on Monday, April 01, with first train trips scheduled at 4:30 am from North Avenue Station, and 5:05 am from Taft Avenue Station,” saad pa sa caption.
Ayon naman sa LRT-2, magkakaroon ng “shortened operating hours” pagdating ng March 27 bago ang nakatakdang tigil-operasyon.
“Aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng 5:00 AM habang ang huling tren naman ay aalis ng 7:00 PM sa kaparehong istasyon,” anunsyo sa FB.
Ani pa, “Samantala, magbabalik ang REGULAR OPERATIONS ng LRT-2 sa April 1, 2024.”
Baka Bet Mo: PNP nagbabala sa ‘vacation modus’, 500 katao na ang nabiktima
Ang Semana Santa ay isa sa mga pinakamahalagang okasyon ng mga Katoliko sa bansa na nagpapakita ng pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagdarasal, pagsasagawa ng mga prusisyon, at pag-alaala sa mga pangyayari sa buhay ni Hesus Kristo.
Para sa taong ito, magsisimula ang Holy Week sa March 24 (Palm Sunday) hanggang March 31 (Easter Sunday).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.