Sa MRT ‘May Right Timing’: Pasahero nag-propose sa dyowa sa Ayala Station
“AYALAbyu!” Yan ang one-liner na paandar sa naganap na marriage proposal sa MRT-3 sa Ayala Station, Makati City.
Nangyari ang agaw-eksenang engagement nitong nagdaang Huwebes, February 8, sa love booth ng Department of Transportation Meto Rail Transit Line-3 (DOTr MRT-3) sa Ayala Station.
Isa ito sa mga pakulo ng DOTr ngayong Valentine month na tinawag nilang “Love Train” na talaga namang pinusuan at ni-like ng sandamakmak na commuters ng MRT.
Ayon sa Facebook post ng DOTr, magpapa-picture lang daw sana ng litrato ang magdyowang sina Mac Tolentino at Yen Flores sa photo booth ng MRT-3 nang biglang maganap ang proposal.
Baka Bet Mo: Dennis: Pinatunayan ni Rizal ang kagitingan niya sa pamamagitan ng paglaban kung ano ang tama at makatarungan
Ayon kay Mac dapat sana’y gagawin niya ang proposal pagsapit ng hapon ng araw ding yun ngunit dahil sa mala-teleseryeng eksena nila ni Yen sa MRT-3 photo booth with matching harana pa ay naisip niyang ituloy na ang proposal.
In fairness, sumagot naman daw agad ng “Oo” si Yen sa engagement proposal ni Mac na sinundan ng mahigpit na yakap at halik.
“Totoo ngang sa MRT-3, May Right Timing! Ang FEB-IBIG ay real na real sa MRT-3,” ang nakasaad pa sa FB post ng DOTr.
“Totoo ngang sa MRT-3, ‘May Right Timing!’ Ang FEB-IBIG ay real na real sa MRT-3! Congratulations! #MRT3LoveTrain,” ang mensahe pang nakasulat sa DOTr FB page.
Baka Bet Mo: Mga manggagawa may ‘libreng sakay’ sa LRT-2, MRT-3 ngayong May 1
Narito naman ang mga reaksyon ng netizens sa naganap na proposal sa MRT-3 Ayala Station.
“Yung mga babae diyan ha, baka intrigahin pa ninyo kung magkano ang halaga ng engagement ring nila ha! Napatunayan na natin na wala sa halaga ng engagement ring ang tunay na pagmamahal. Kahit tanungin pa ninyo si Bea at Dom diyan.”
“Kaya naman pala antagal umalis ng tren eh nanunuod pa pala ung driver sa pag propose.”
“Sikst Brian true. Jusko. I treasure ung nagbigay. Kung ako yn khit sampung pisong engagement ring ttanggapin ko.”
“Napqnood ko na Yan eh.. maghihiwalay din yan.”
“MRT 3 lang tlagaa mag papatunay my Forever. congratulations!”
“Sana matapos na MRT-7 para makapag propose na din ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.