Movie nina Dingdong at Charo tuloy na, ilalaban sa MMFF 2024?

Pelikula nina Dingdong at Charo tuloy na tuloy na, ilalaban sa MMFF 2024?

Ervin Santiago |March 17,2024
facebook
share this

Pelikula nina Dingdong at Charo tuloy na tuloy na, ilalaban sa MMFF 2024?

Ervin Santiago - March 17, 2024 - 11:07 AM

Pelikula nina Dingdong at Charo tuloy na tuloy na, ilalaban sa MMFF 2024?

Dingdong Dantes, Irene Villamor at Charo Santos

TULOY na tuloy na ang pagsasamahang pelikula nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ng award-winning veteran actress na si Charo Santos.

Yan ang kinumpirma sa amin ni Dingdong at sa ilan pang members ng entertainment media sa ginanap na “Best Time Ever” campaign ng GMA Entertainment group sa Studio 6 ng Kapuso Network.

Sey ng husband ni Marian Rivera, sa wakas daw ay matutuloy na rin ang matagal niyang pangarap na makatrabaho si Charo na itinuturing nang isa sa mga living icon sa showbiz.

Baka Bet Mo: Beauty binigyan ng tip ni Dingdong para iwas-pressure: Sobrang bait niyang tao, hindi siya mayabang

Ang tinutukoy ni Dong ay ang movie nila na may working title na “Love After Love” na noong 2022 pa in-announce. Actually, matagal na raw sana nila itong nagawa ni Charo ngunit nagkaroon nga ng mga problema na hindi kontrolado ng production.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Looking forward na raw ang Kapuso actor sa pagsisimula ng shooting nila para sa naturang pelikula. Ito ang magsisilbing follow-up project ni Dong after ng record-breaking movie nila ni Marian na “Rewind” na naging entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Ang “Love after Love” ay mula sa panulat ni Irene Villamor at siya rin ang magdidirek nito. Nakatakda nang mag-shooting sina Dong at Charo sa katapusan ng April.

Kuwento pa ng aktor tungkol sa movie sa isang hiwalay na panayam, “The script, sumailalim sa maraming revisions. I think sakto lang ‘yung panahon ngayon at magagawa na namin siya.”

Baka Bet Mo: Wish nina Belle at Donny na magkaroon ng primetime series tinupad ng ABS-CBN, Direk Mae Cruz bilib na bilib sa DonBelle

“Mula nang umpisa naman, nu’ng na-conceptualize ‘yung project, ‘yun na talaga. Kami na talaga ‘yung team. Walang ibang casting.

“It was really written with us in mind. Medyo na-stall lang ng konti because the script had to go thrpugh revisions, konting pagbabago, reading-ready na siya,” dagdag ng aktor.

Tumanggi naman si Dingdong na magdetalye nang bonggang-bongga about their romance and drama movie, “Hard to say kasi yun din ang intention ng pelikula eh. Hindi magbigay ng isang genre. So, abangan niyo na lang.”

Hindi pa rin daw niya masabi kung ilalaban ito sa MMFF 2024, “Wala sa ating mga kamay ‘yan. Ang mahalaga is makagawa tayo ng mga creative and compelling stories.”

Samantala, excited na si Dingdong sa second anniversary special ng “Family Feud” na magsisimula na bukas, March 18.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Mapapanood dito ang Kapuso Primetime Queen at wifey ni Dong na si Marian Rivera at ang cast members ng upcoming primetime series na “My Guardian Alien”.

Ang Team Guardian ay binubuo nina Gabby Eigenmann, Caitlyn Stave, Josh Ford, at Arnold Reyes habang ang makakalaban naman nila ay ang Team Alien nina Kiray Celis, Tart Carlos, Christian Antolin, at Sean Lucas.

Makakasama rrin sa anniversary special ng “FF” ang “Running Man PH” stars Kokoy de Leon Angel Guardian, Lexi Gonzales at Miguel Tanfelix na haharapin ang squad ng controversial couple na sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista.

Sey ni Dingdong, kada episode na ginagawa niya sa “Family Feud” ay isang learning experience para sa kanya, “Kakaiba ‘yung energy so kunwari kahit ano’ng iniisip mo, basta pagsampa mo du’n sa entamblado mawawala lahat ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dahil meron at meron kang walong mga bagong nakikilala araw-araw. At ang dami kong natututunan sa kanila at nag-e-enjoy ka, ‘yun ang pinakamahalaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending