Direktor naghintay kay Jaclyn sa sinehan: But you never came

Direktor naghintay kay Jaclyn Jose sa sinehan: But you never came…

Ervin Santiago - March 05, 2024 - 07:40 AM

Assistant director naghintay kay Jaclyn sa sinehan: But you never came

Jaclyn Jose

SIGURADONG wasak din ang puso ngayon ng kaibigang assistant director ni Jaclyn Jose, na si Jo Macasa sa biglaang pagkamatay ng aktres.

Viral ngayon sa social media ang Facebook post ni Jo Macasa tungkol sa huling usapan at palitan nila ng mensahe ni Jaclyn bago ito pumanaw nitong nagdaang March 2.

Kuwento ng kaibigan at katrabaho ng award-winning actress at nanay ni Andi Eigenmann, naka-schedule sana silang magkita last March 3, pero hindi na nga ito nangyari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagulat na lang daw siya nang malamang namatay na ang kanyang kaibigan matapos atakihin sa puso.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose itinuring nang tunay na anak si Coco; tinupad ang hiling

“We had a good talk last Thursday and I was supposed to see you last night. I waited at the Cinema but you never came.

“And never will you return. Because the day that I was going to see you was the same day I lost you.

“I will miss you so much, Tita Jane. Forever and ever my best actress, best ally and best friend,” ang mensahe ng assistant director kay Jaclyn Jose na ipinost niya sa FB.

Kalakip nito ang ilang screenshots ng  kanilang naging pag-uusap kung saan mababasa ang palitan nila ng mensahe noong February 29.

Base sa ibinahagi ni Jo na convo nila ni Jaclyn, nagkasundo silang manood ng sine sa The Uptown Tempur Cinema, na isang sosyalerang bed cinema sa Pilipinas sa Bonifacio Global City sa Taguig.


Sa katunayan, nai-book na nila ang kanilang tickets para sa nasabing sinehan kung saan pwede kang humiga. Sabi pa ni Jaclyn, bukod sa panonood ng sine, kakain din daw sila after.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers

Ngunit hindi nga dumating ang aktres sa kanilang “date night”, yun pala inatake na ito sa puso na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nalaman lamang na wala na ang aktres nang may mag-check sa kanya sa bahay. Pero hindi na ito idinetalye pa ng pamilya ni Jaclyn.

Kahapon humarap ang anak ni Jaclyn na si Andi (anak niya sa yumao na ring aktor na si Mark Gil) na si Andi para magbigay ng pahayag tungkol sa nangyari sa beteranang aktres.

“It’s with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose.

“As our family is trying to come to terms with this unfortunate incident, please provide us the respect and piracy to grieve, and we hope this puts all the speculations to rest,” pahayag no Andi.

Ibinandera rin ng aktres ang “undeniable legacy” ng kanyang nanay na aniya’y “will forever live on through her work, through her children, through her grandchildren, and the many lives she’s touched.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She herself, her life itself, was her greatest obra maestra,” dagdag pa ni Andi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending