Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers | Bandera

Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers

Therese Arceo |August 19,2022
facebook
share this

Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers

Therese Arceo - August 19, 2022 - 11:45 AM

Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers
LABIS ang saya ng mga fans ng batikang aktres na si Claudine Barretto nang manumbalik ang dating katawan nito.

Base sa aktres, intermittent fasting ang kanyang ginawang eating plan kung saan nabawasan siya ng 60 pounds sa kanyang timbang.

Nitong Miyerkules, August 17 ay ibinahagi ni Claudine ang kanyang larawan sa Instagram na may caption na “Kikay day with @marisol0125 @tiaperfecto”.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang naging post ng aktres mula sa mga fans maging sa isa sa mga kaibigan niyang si Mariel Padilla.

“You are an inspiration ate,” saad nito.

Comment naman ng isang netizen, “Congratulations po, sa wakas bumalik na Po sa dati Yung katawan mo na sexy.. Idol na Po kita since elementary till now.”

“Nice to see the way you are now Ms Clauds. can’t wait to see you on screen again as you act naturally with the heart. stay fit and healthy. God bless,” sey naman ng isa.

Isang fan account rin ng tambalan nina Claudine at Piolo Pascual ang pumuri sa kanyang pagpapapayat.

“Bagay sayo ganyan kapayat miss @claubarretto sana ituloy tuloy mo ang pagbalik alindog mo. hayaan mo ung P.A mong malakas kumain wag mo siya ganyahin puro food ang alam .. batangas chapter here maraming nag aabang sayo sa pagbabalik mo ung mga dati mong fans club from batangas chapter,” comment nito.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Bagamat natuwa si Claudine sa komento ng fan ay nakiusap ito na sana ay huwag pagsalitaan ng masama at bastusin ang kanyang personal assistant.

“sweetheart thank u sa praises mo.[heart emoji] but pls wala namang ganyang nakakasakit at nakaka bastos na salita tungkol kay Sol @marisol0125 kasi mahal ko kayo pero mahal ko si Sol,” sagot ng aktres.

Ani Claudine, nasasaktan raw siya kapag binabastos ito dahil pamilya na rin ang turing niya sa assistant at katuwang sa pag-aalaga sa kanyang mga anak.

“Sana isipin natin lahat ng pagmamahal,pag aalaga at pagtitiyaga nya sa amin ng mga anak ko.nasasaktan talaga ako pag ginaganyan si Sol na pamilya ko na.kayo na mga mahal ko pag nag aaway na huhurt ako so pls wag ng ganyan sweetheart,” sey pa ni Claudine.

Related Chika:
Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

P500k sustento kay Claudine napurnada, ani Ogie: Hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen

Claudine sinupalpal ng ‘ebidensiya’ para patunayang hindi ‘true blooded Marcos’ si Rico Yan; Noel Ferrer may ‘resibo’ rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending