P500k sustento kay Claudine napurnada, ani Ogie: Hindi nasunod 'yung gustong mangyari ni Gretchen Bandera

P500k sustento kay Claudine napurnada, ani Ogie: Hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen

Therese Arceo |January 19,2022
share this

P500k sustento kay Claudine napurnada, ani Ogie: Hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen

Therese Arceo January 19, 2022 - 04:07 PM

P500k sustento kay Claudine napurnada, ani Ogie: Hindi nasunod 'yung gustong mangyari ni Gretchen

NAPAG-USAPAN nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang aktres na si Claudine Barretto sa kanilang vlog na “Ogie Diaz Showboz Update”.

Kasalukuyan kasing may pelikula na pinamagatang “Deception” ang nagbabalik na aktres kasama ang “first love” na si Mark Anthony Fernandez.

Chika nila, mukha raw kasing may pasaring ang naging pahayag nito patungkol sa bagong pelikula.

Sey kasi ni Claudine, “Itong pelikulang ito is very close to my heart dahil sa mga bangyati sa amin ng ex-husband ko. It hits close to home sa akin kasi hindi lang naman sa ex-husband ko kundi sa mga taong pinagkatiwalaan ko. Sa mga taong akala ko kaibigan ko, yun pala hindi. Tinulungan mo na, ikaw pa yung masama. I’ve had so much betrayal and deception in my life. Ang dami talaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)

Giit nina Ogie, baka daw mag-react ang mga taong pinapasaringan ni Claudine sa kanyang sinabi lalo pa’t sinabi nito ang katagang “ex-husband” na may chance na tumutukoy kay Raymart Santiago dahil siya lang naman ang naging asawa nito.

Bukod pa rito ay may chika ring nasagap si Ogie na supposedly ay makakatanggap sana si Claudine ng financial support mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto.

“Medyo hindi nasunod ‘yung gustong mangyari ni Gretchen na para rin kay Claudine kaya lang parang hindi yata nasunod ni Claudine at parang nasuway niya so sayang ‘yung supposedly P500 thousand a month na supporta ni Gretchen kay Claudine,” nakakalokang saad ni Ogie.

Napa-react naman si Mama Loi at tinanong ang talent manager kung may kinalaman ba ito sa recent ganap ni Claudine kasama ang isa pang kapatid na si Marjorie Barretto.

Matatandaang may namumuong alitan sa pagitan ng tatlo kung saan matagal na hindi nagkikibuan ang magkakapatid at tila sina Greta at Claudine ang magkakampi.

Depensa naman ni Ogie, wala raw kinalaman ang pagsasama ng dalawa noong New Year dahil nangyari daw ito noong early part pa ng 2021.

Marahil daw ay kung hindi tumakbo si Claudine sa pagka-konsehal ay may chance na nasuportahan siya ng kapatid ng kalahating milyon kada buwan sabi ng kanyang source.

Hindi naman sinabi ni Ogie kung ano ang kondisyon na hindi nasunod ni Claudine pero alam daw niya kung ano ito.

Nilinaw rin niya na maayos ang relasyon ng magkapatid kahit na hindi natuloy ang pagsustento.

Hiling naman ni Ogie na sana ay kumita at mag-hit ang pelikula nina Claudine at Mark Anthony lalo pa’t ito ang first time na magtatambal muli ang dalawa matapos ang ilang dekadang hindi pagsasama sa proyekto.

 

Related Chika:
Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga!
Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending