Beauty binigyan ng tip ni Dingdong para iwas-pressure: Sobrang bait niyang tao, hindi siya mayabang | Bandera

Beauty binigyan ng tip ni Dingdong para iwas-pressure: Sobrang bait niyang tao, hindi siya mayabang

Ervin Santiago |February 07,2022
facebook
share this

Beauty binigyan ng tip ni Dingdong para iwas-pressure: Sobrang bait niyang tao, hindi siya mayabang

Ervin Santiago - February 07, 2022 - 07:51 AM

Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez

KAHIT tapos na ang pinagbidahan nilang primetime mini-series ni Dingdong Dantes sa GMA 7, may babauning “pamana” si Beauty Gonzalez mula sa Kapuso Primetime King.

In fairness, nagmarka at umani ng papuri ang “I Can See You: AlterNate” nina Dingdong at Beauty mula sa manonood kaya marami ang nagre-request sa GMA na sana’y magkaroon ng follow-up project ang dalawa.

Ayon sa Kapuso actress, kung may isang quality ang award-winning TV host-actor na hinding-hindi niya malilimutan ay ang pagiging cool at kalmado nito sa gitna ng problema at pressure.

Si Dong daw talaga ang nagpapakalma sa kanila sa set ng “I Can See You: AlterNate” sa tuwing nawiwindang ang lahat, ayon pa kay Beauty sa panayam ng At Home with GMA Regional TV.

“Super easy breezy. Sobrang bait niyang tao. He makes sure that everyone is easy lang, hindi siya mayabang sa set. Siguro ang advice na nakuha ko sa kanya is chill,” pahayag pa ng Kapuso star.

Inamin kasi ng celebrity mommy na hindi niya talaga maiwasan ang maging overthinker pagdating sa kanyang work, lalo na kapag malalaking artista ang mga katrabaho niya.

“Overthinker kasi ako eh, like, I mean you know, ewan ko, sakit siguro ng lahat ng babae ‘yan,” dagdag na chika pa ni Beauty.

Kaya naman ang ultimate advice raw ni Dingdong sa kanya ay “chill” at “cool” lang kapag nakakaramdam siya ng stress at pressure sa trabaho o sa kahit anong bagay na bumabagabag sa kanya.

“Minsan sinasabi niya sa akin, ‘Chill.’ ‘Yun ang pina-practice ko. Actually the start of the month ‘yun ang ginagawa ko lang the whole month, chill,” sey ni Beauty.

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Samantala, inamin din ni Beauty na matinding challenge talaga ang hinarap niya sa “AlterNate” na natapos na nga last week.

“Of course kasi siyempre I’m working with the Primetime King. The show itself, asks really a lot from us actors. 

“Sobrang hirap to do a dual character, especially for Mr. Dingdong. Also as co-actors, kailangan makita rin ng tao na iba-iba. Siyempre pagdating kay Nate, iba ‘yung reaksyon namin. Pagdating kay Michael iba rin ‘yun,” pahayag pa ng Kapuso actress na ang tinutukoy ay ang kambal na karakter ni Dong.

Nauna rito, todo puri rin ang Kapuso actor sa kanyang leading lady, “It’s such a beautiful experience working with Beauty. I admire and respect her artistry. I think she’s a brilliant artist, not just in acting but in other fields as well.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oftentimes, we would talk about her deep involvement in the arts. In fact, I learned a lot from her when it comes to that. But I think, more importantly, I witnessed how committed she is to her craft. I’m hats-off to her professionalism,” sey pa ng mister ni Marian Rivera.

GMA tinupad agad ang wish ni Beauty: Hindi lang isa kundi 2 Dingdong pa ang nakatambal ko

‘Bikini’ ni Sanya sa ‘First Yaya’ trending sa socmed; ‘I Can See You’ ni Barbie gumawa ng ‘history’

Dingdong sa 4 na tatakbong pangulo sa 2022: Lumitaw ang may plano at may malalim na pag-unawa sa pamumuno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending