2nd concert nina Sharon, Gabby ‘kanselado'

2nd concert nina Sharon, Gabby ‘kanselado’, KC may tampo pa sa ina?

Pauline del Rosario |March 15,2024
facebook
share this

2nd concert nina Sharon, Gabby ‘kanselado’, KC may tampo pa sa ina?

Pauline del Rosario - March 15, 2024 - 01:21 PM

2nd concert nina Sharon, Gabby ‘kanselado’, KC may tampo sa ina?

PHOTO: Instagram/@kristinaconcepcion

HINDI matutuloy ang ikalawang concert sana ni Megastar Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion.

Ito ang ikinumpirma ni Sharon matapos makapanayam ng ilang entertainment press matapos ang kanyang performance para sa “Sheroes” campaign ng isang insurance company noong March 12.

Ibinunyag pa nga ng batikang singer na mas maganda pa sana ang second show kaysa sa unang reunion nila ng dating mister.

Nilinaw rin ni Sharon na hindi sila ni Gabby ang dahilan kung bakit nakansela ito.

Sey ng iconic singer, “The next show was supposed to be called’ P.S. I Love You.’ The repertoire was supposed to be much better. It was a beautiful show. Kasado na. Everyone was ready.”

Baka Bet Mo: KC napaiyak nang balikan ang muling pagsasama nila ni Gabby after 15 years: ‘It was such a memorable moment…’

“And apparently, negotiations didn’t go through. Okay, I won’t say it. But let’s just say hindi siya natuloy not because of us,” paliwanag niya.

Wika pa niya, “I was so excited and ready to do it. Sayang. Nanghihinayang ako. Because I made so many of our fans happy, and I wanted to continue making them happy.”

“So, I guess that’s it. Not my fault,” ani pa niya.

Kasunod niyan ay inamin din ni Sharon na bihira nalang sila magkita at mag-usap ng anak na si KC Concepcion.

Pero iginiit niya na nananatili pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t-isa kahit ganun ang kanilang sitwasyon ngayon.

“I don’t know what her beef with me was…” sambit niya.

Saad pa niya, “Siguro hindi maiiwasan there are hurt feelings now. So, to end that, siguro even if KC and I never have a relationship again, I know that we’ll always love each other.”

Magugunita na October last year nang mangyari ang “Dear Heart” concert nila ni Gabby.

Nagkaroon pa nga ng surprise appearance diyan ang kanilang anak na si KC.

Baka Bet Mo: Gabby wish maging maayos na ang tampuhan nina Sharon, KC: Everything should be fine…

Kung matatandaan, nagsimula ang pag-iibigan ng dating mag-asawa nang maging magka-love team sila sa 1981 film na “Dear Heart.”

Makalipas ang tatlong taon mula nang ipalabas ang nasabing pelikula ay ikinasal sina Sharon at Gabby.

At matapos ang isang taon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng anak na si KC.

Pero hindi rin nagtagal ay nagkahiwalay ang dalawa at ang kanilang marriage annulment ay kinumpirma noong 1987.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang pamilya ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Sharon ay ikinasal kay dating senador na si Kiko, habang si Gabby naman ay kay Genevieve Gonzales.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending