Xian Gaza sinabihang 'protektor ng kriminal' si Robin Padilla

Xian Gaza sinabihang ‘protektor ng kriminal’ si Robin Padilla

Therese Arceo - March 13, 2024 - 06:16 PM

Xian Gaza sinabihang 'protektor ng kriminal' si Robin Padilla

NAGLABAS ng saloobin ang social media influencer na si Xian Gaza hinggil sa ginagawang pagtatanggol ni Sen. Robin Padilla kay Apollo Quiboloy.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, March 11, ibinahagi niya na hindi naman ang pastor mula sa Kingdom of Jesus Christ ang dapat ipagtanggol dahil hindi ito ang biktima bagkus ito ang may pagkakasala sa marami.

Saad ni Xian, “Hindi po biktima si Quiboloy. Siya po ang maraming biktima kaya po patung-patong ang kaso niya sa Estados Unidos and Wanted by the FBI.

“Kung siya po ay isang hero dahil nilabanan niya ang NPA, siya naman po ay isang child rapist dahil inabuso niya ang maraming menor de edad na miyembro ng kanyang Simbahan.”

Sabi pa ni Xian, hindi raw porke mabait ang pastor sa senador ay nangangahulugang mabait na rin ito sa iba.

Inihalintulad niya rin ito sa “pang-i-scam” na hindi porke hindi niya na-scam si Sen. Robin ay nangangahulugang hindi na siya scammer.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ibinuking ang ‘scam’ ni Fynest China, nagbardagulan sa socmed

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Maaaring sayo ay maayos akong kausap sa pera pero yung iba ay iniscam ko. Same with Quiboloy,” lahad ni Xian.

Bukod pa rito, ini-invalidate raw ni Sen. Robin ang pakiramdam ng mga taong nabiktima ni Quiboloy sa patuloy na pagtatanggol rito.

“Kung ikaw po ay nagbubulag-bulagan dahil gusto mo pong protektahan ang iyong kaibigan, ini-invalidate mo po yung mapapait na karanasan ng mga biktima niya.

“Paano ka po namin titignan as a leader kung inuuna mo po yung kapakanan ng kaibigan mo kaysa kapakanan ng iyong mamamayan? Ang tingin po namin sayo ngayon ay isang senator na protektor ng kriminal,” giit pa ni Xian.

Matatandaang pilit na ipinagtatanggol ni Robin si Quiboloy sa kabila ng utos ni Sen. Risa Hontiveros na arestuhin na ang pastor matapos itong hindi dumalo sa pagdinig sa Senado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ipinagtanggol ni Padilla si Quiboloy nang ipag-utos ni Senator Risa Hontiveros na arestuhin na ang pastor matapos nitong hindi dumalo sa pagdinig sa senado.

Samantala, wala pa namang reaksyon ang actor-politician ukol sa pahayag ni Xian laban sa kanya.

Bukas naman ang Bandera para sa tugon ni Robin ukol rito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending