Robin nabigla sa pagpanaw ni Jaclyn, Kylie todo iyak

Robin nabigla sa pagpanaw ni Jaclyn, Kylie todo iyak habang naglalakad sa SG

Pauline del Rosario |March 10,2024
facebook
share this

Robin nabigla sa pagpanaw ni Jaclyn, Kylie todo iyak habang naglalakad sa SG

Pauline del Rosario - March 10, 2024 - 12:55 PM

Robin nabigla sa pagpanaw ni Jaclyn, Kylie todo iyak habang naglalakad sa SG

PHOTO: Instagram/@robinhoodpadilla

NASA Singapore ang mag-ama na sina Kylie at Sen. Robin Padilla nang mabalitaan ang biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose.

Aminado si Sen. Robin na pareho silang nabigla at ito raw ang rason kaya biglang nag-breakdown ang kanyang anak habang sila ay namamasyal sa ibang bansa.

“Nasa Singapore ako n’un, kasama ko si Kylie, naglalakad kami, iyak nang iyak,” kwento ng actor-politician sa reporters.

Sey pa niya, “Mga 30 minutes kaming naglalakad habang iyak siya nang iyak.”

Sinabi rin ng dating aktor na hindi niya alam na super close sa isa’t-isa ang anak at namayapang aktres.

Baka Bet Mo: Andi kay Jaclyn: Ganu’n kalaki yung puso niya…sobra, sobra, sobra!

“Magkasama kasi [sina Kylie at Jaclyn] sa ‘Bolera,’ hindi ko siya mapatahan dahil nagulat ako. Hindi ko alam na meron pala silang bond,” pag-amin niya.

Chika pa niya, “Bilang ama, sinabi ko sa kanya na, ‘Ganun talaga. Dapat lagi tayong handa. Hindi natin alam kung kailan [tayo kukunin]. Namnamin mo na lang ang inyong pinagsamahan.’ Kasi parang nanay niya talaga si Jaclyn.”

At tulad kay Kylie, close rin daw sina Sen. Robin at Jaclyn na kung saan ibinunyag niya pa ang tawagan nila sa isa’t-isa.

“Hindi lang sa [camera] kami nagsama, pero naging kaibigan talaga ng pamilya namin si Jane,” sey ng politician.

Giit niya, “Barkada kami, hindi kami showbiz.”

“Noong parehas [umarangkada] ang aming career, hindi na kami masyadong nagkita pero kapag nagkikita kami, ang tawag namin ay Batch,” pagbubunyag niya.

Paglalarawan pa niya sa yumaong veteran actress, “Prangka ‘yan. Isang tawag lang namin kay Batch. Kapag humihingi pa kami ng saklolo, dumating siya agad.”

Magugunit na noong March 2 nang pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 dahil sa atake sa puso, ayon sa kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumuhos ang pakikiramay mula sa kapwa-artista at ilan lamang sa mga dumalo sa kanyang lamay ay sina Coco Martin, Alden Richards, Claudine Barretto, Gardo Verzosa, John Arcilla, Gladys Reyes, at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending