Kylie nilibre nina Robin at Mariel sa Taylor Swift SG concert
“NABUHAY ‘yung Swiftie heart ko!”
‘Yan ang inihayag ng aktres na si Kylie Padilla sa tuwang nakanood siya ng “The Eras Tour” concert ni Taylor Swift sa Singapore.
Ayon sa aktres, nilibre ito ng kanyang ama na si Senador Robin Padilla at stepmom na si Mariel Rodriguez.
Sa Instagram Stories, ibinandera ni Kylie na enjoy na enjoy siya sa concert at makikita na kasama niya sina Robin at Mariel.
“Thank you, tita [Mariel] and papa for the treat. Nabuhay ‘yung Swiftie heart ko,” caption ni Kylie sa post.
Baka Bet Mo: Kathryn pinatamaan si Daniel sa kanta ni Taylor Swift tungkol sa balikan?
Ibinahagi rin ng aktres ang naging performance ng international pop singer habang kinakanta ang “The Man.”
Wika ni Kylie, “My anthem…let’s go Taylor.”
Sa hiwalay na IG post, muling nag-upload ng snippets si Kylie ng mga eksena sa concert at sabi niya: “The universe wanted me here. Amen. So grateful.”
View this post on Instagram
Samantala, ipinasilip naman ni Mariel ang naging Singapore trip kasama ang kanyang mister na si Robin.
May isang video pa nga siya na ipinapakita kung gaano siya kasaya sa concert ni Taylor.
“I don’t know about you but I’m feeling 22!!!!!!!” caption ng TV host.
Mensahe pa niya sa pop icon, “YOU WERE AMAAAZZZIIIIINNGGG!!!!!!”
Dagdag niya, “Thank you so much to my supportive husband @robinhoodpadilla I had a blast!!!! [red heart emojis]”
View this post on Instagram
Pero bago ang concert, ipinakita ni Mariel ang ilang pictures na nakasama rin nila sa Singapore ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga, kasama ang kanilang mister na sina Mikee Morada at Paul Soriano.
“Lunch with beautiful people thank you to the Sorianos,” caption niya.
Chika pa ng TV host, “We went to Singapore for a medical check up and praise God Robin and I are super healthy we can live for a a hundred years [heart emoji] all the barley, turmeric and vitamins we have been taking have really helped. Ang galing!!!”
View this post on Instagram
Kung maaalala, noong November 2023 nang nilibre rin ni Mariel si Kylie kasama ang mga apo niya na sina Axl at Alas sa Disneyland bilang pagdiriwang ng kaarawan ng mga anak ng TV host na sina Isabella at Gabriella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.