Kylie sa viral mystery guy: Siya ‘yung nagpapasaya sa puso ko

Kylie Padilla sa ‘mystery guy’ na kasama niya: Siya ‘yung nagpapasaya sa puso ko

Pauline del Rosario |January 25,2024
facebook
share this

Kylie Padilla sa ‘mystery guy’ na kasama niya: Siya ‘yung nagpapasaya sa puso ko

Pauline del Rosario - January 25, 2024 - 02:24 PM

Kylie Padilla sa ‘mystery guy’ na kasama niya: Siya ‘yung nagpapasaya sa puso ko

Kylie Padilla, Jinno John Simon

SINAGOT na ng aktres na si Kylie Padilla kung sino ‘yung “mystery guy” na nakasama niya sa isang mall kamakailan lang.

Matatandaang nag-viral ang isang uploaded video ng TikTok user na si @ivhetgonzales na mapapanood na namimili si Kylie sa isang store at may kasama siyang lalaki na matangkad, long hair at may mga tattoo sa katawan.

Kalaunan ay nakilala na ito bilang ang tattoo artist na si Jinno John Simon.

At dahil nga kumalat na ito sa social media, marami ang talaga namang naging curious kung ito na nga ba ang bagong pag-ibig ni Kylie.

Sa pamamagitan ng isang TikTok post ng celebrity fitness coach na si Francis Simon, ibinunyag ng aktres na ang lalaking kasama niya ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla: ‘I’m not Christian but I believe in the spirit of Christmas’

“Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat; nagtatalo sila e,” sambit ni Francis habang katabi niya si Kylie.

Ani pa niya, “Sino ba ‘yung kasama mo sa mall, ‘yung nakaputi [at] long hair?” 

Diretsahang sagot ni Kylie, “Ah, ‘yun ba? [Siya] ‘yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon.”

Kasunod niyan ay sinasabi ng fitness coach na kilala niya kung sino ‘yung tinutukoy ni Kylie.

Tugon naman sa kanya ng aktres, “Parang kilala mo ‘yun, kuya. Parang kamukha mo nga e.” 

@fjtsimonthemafia Ano daw @Kylie Padilla 🐍 ♬ original sound – fjtsimon

Hindi na idinetalye ni Kylie ang identity ni Jinno o kaya kung ano ang real score nila, pero tila kinumpirma na ni Francis ang ilang hinala ng netizens.

May isang TikTok user ang nag-usia, “Bagay sila ni Kylie lakas ng dating ni Jinno [emojis].”

Reply sa kanya ni Francis, “hehe”

May nagkomento naman na: “Kapatid po ninyo ‘yung kasama ni Kylie [laughing emoji].”

Sagot sa kanya ng fitness coach, “yes po.”

Kylie Padilla sa ‘mystery guy’ na kasama niya: Siya ‘yung nagpapasaya sa puso ko

PHOTO: Screengrab from TikTok/@fjtsimonthemafia

Kung maaalala,Enero ng nakaraang taon nang unang umugong ang chika na may bago nang karelasyon si Kylie nang magbahagi ito ng mga larawan na may kasamang guy habang nagbabakasyon sa Thailand.

Marami tuloy ang nagsasabi at naniniwala na ang lalaking kasama niya noon sa Thailand at ang lalaking kasama niya sa mall ay iisa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling public relationship ni Kylie ay ang dating mister na si Aljur Abrenica na ngayon ay currently in a relationship with AJ Raval.

Ang dating mag-asawa ay mayroong dalawang anak na sina Alas at Axl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending