Kylie Padilla spotted sa mall na may kasamang lalaki, new dyowa?

Kylie Padilla spotted sa mall na may kasamang lalaki, new dyowa kaya?

Therese Arceo |January 11,2024
facebook
share this

Kylie Padilla spotted sa mall na may kasamang lalaki, new dyowa kaya?

Therese Arceo - January 11, 2024 - 04:22 PM

Kylie Padilla spotted sa mall na may kasamang lalaki, new dyowa?

Kylie Padilla

SPOTTED ang Kapuso actress na si Kylie Padilla kasama ang isang lalaki habang namimili sa isang mall.

Viral ngayon ang isang video na in-upload ng isang TikTok user na si @ivhetgonzales kung saan makikita na palabas ang Kapuso actress sa isang store kasama ang matangkad at long hair na lalaki na may mga tattoo sa katawan.

May suot-suot ring hikaw ang lalaking kasa-kasama ni Kylie.

Agad namang umani ng mga komento mula sa madlang netizens ang naturang video na uploaded sa TikTok.

May ilang netizens na nagsasabing ang naturang lalaki na kasama ni Kylie sa video ay kanyang gym coach.

“gusto ko din po ng long hair at may tattoo saka matangkad Lord,” saad ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla sinupalpal ang nagmamarunong na netizen na nagtama sa kanyang grammar: ‘Oh sorry, I grew up in Australia’

Comment naman ng isa, “May isang anak na din yan si kuya, gwapo talaga sya ka skulmate ko sa TUA.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Napakaganda ni Kylie. Bagay sila. Napakaganda rin ng bag niya! Super bet!” sey naman ng isa.

May nagsasabi rin na mukhang totoo ang mga chika noon na may nakarelasyon ang Kapuso actress na isang tattoo artist at ngayon lang na-reveal.

Matatandaang unang umugong ang chika na may bago nang karelasyon si Kylie nang magbahagi ito ng mga larawan na kuha nang magbakasyon siya sa Thailand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman ang hinala ng ilan ay ang lalaking kasama niya noon sa Thailand at ang lalaking kasama niya sa mall ay iisa.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Kylie hinggil sa kumakalat na video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending