Kylie Padilla sinupalpal ang nagmamarunong na netizen na nagtama sa kanyang grammar: 'Oh sorry, I grew up in Australia' | Bandera

Kylie Padilla sinupalpal ang nagmamarunong na netizen na nagtama sa kanyang grammar: ‘Oh sorry, I grew up in Australia’

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 07:35 AM

Kylie Padilla sinupalpal ang nagmamarunong na netizen na nagtama sa kanyang grammar: 'Oh sorry, I grew up in Australia'

Kylie Padilla

SINUPALPAL ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang isang netizen na nagdunung-dunungan at nakialam sa kanyang social media post.

Talagang hindi pinalampas ng celebrity mom ang isa niyang socmed follower na pumuna sa kanyang grammar sa isa niyang Instagram story tungkol sa anak niyang si Alas.

Nagbahagi ang aktres sa IG ng litrato ni Alas at nilagyan ng caption na, “He spilt something and proceeded to mop it by himself and he tell me not to walk there kasi madulas. It’s the little things.”

Sa comments section, nag-comment ang isang netizen sa paggamit niya ng salitang “spilt.” Pagtatama nito, dapat daw “spilled” ang isinulat niya dahil past tense ito ng “natapon.”

“Just replying [to] your [IG] story it’s ‘spilled,’ not spilt lol that’s not even a word,” ang nagmamagaling na post ng netizen.

Baka Bet Mo: Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It’s been a joy watching you grow up

Sinagot naman siya ni Kylie ng, “Oh sorry I grew up in Australia we followed the British English dictionary and there, spilt is a word. Please Google it.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)


Marami naman ang naaliw sa pambabasag ni Kylie sa kanyang basher. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.

Baka Bet Mo: Anak nina Aga at Charlene na si Andres Muhlach hindi isinasara ang pinto para sa showbiz, hiyang-hiya sa tawag na ‘Crush ng Bayan’

“@kylienicolepadilla pa tlg kinorek mo, laking Aussie yan.”

“Spilt is past tense of spill.”

“Napa webster dictionary tuloy ako.  @kylienicolepadilla idol talaga kita.”

“Si Kyle pa..matalino..at magaling sa English.”

“Yes, spilt is also correct. It is British English.”

“Mema comment lang nang.correct pa nga ng grammar! get a life ui!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lol bago kasi magreact, try to educate yourself. Hindi lang po American English ang ginagamit ng tao.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending