Kylie natakot palakihing mag-isa ang 2 anak; mas palaban sa 2024

Kylie natakot palakihing mag-isa ang 2 anak; mas palaban ngayong 2024

Ervin Santiago |January 10,2024
facebook
share this

Kylie natakot palakihing mag-isa ang 2 anak; mas palaban ngayong 2024

Ervin Santiago - January 10, 2024 - 07:28 AM

Kylie natakot palakihing mag-isa ang 2 anak; mas palaban ngayong 2024

Kylie Padilla

NAG-SHARE ang Kapuso actress na si Kylie Padilla ng kanyang mga realizations sa buhay matapos magbakasyon sa Tokyo, Japan.

Sa Japan sinalubong ng aktres at celebrity mommy ang New Year at aminado siyang napakarami pa niyang nadiskubre sa sarili sa ilang araw niyang pamamalagi sa naturang bansa.

Nakabalik na siya sa Pilipinas kamakailan at sa pamamagitan nga ng kanyang Instagram broadcast channel ay ibinahagi niya sa kanyang supporters ang mga natutunan niya mula sa pagbabakasyon sa Japan.

Inamin ni Kylie na mula noong naghiwalay sila ng asawang si Aljur Abrenica ay talagang nakaramdam siya ng matinding takot dahil mag-isa na lang niyang palalakihin at itataguyod ang mga anak.

Dahil dito, talagang halos patayin na niya ang sarili sa pagtatrabaho at nakalimutan na ang magpahinga. Matinding pressure ang nararamdaman niya dahil sa mga anak nila ni Aljur na sina Alas at Axl.

Baka Bet Mo: Sam, Catriona sa Japan nag-Holy Week; kumpirmadong sa Australia magpapakasal

Simulang pahayag ni Kylie, “Reflection ~ since this tokyo trip I have realised so much.

“Ever since my separation with my ex I have been so afraid of life.

“Afraid of relaxing and letting go of my grip on control. I didn’t know how much single parenthood scared me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)


“Having two young kids rely on you while you are falling apart is so much pressure pala,” aniya.

Ngunit nangako si Kylie sa sarili na mas magiging matapang at palaban siya ngayong 2024 kasabay ng pagsasabing proud siya sa mga challenges na pinagdaanan at pinagtagumpayan niya nitong mga nakaraang taon.

Sey pa ni Kylie, “I was bursting at the seams, but looking back, I’m so proud of how far I’ve come.

Baka Bet Mo: Enchong sa nakuhang nominasyon sa Tokyo filmfest: Naluha ako kasi parang kausap ko lang si Lord nu’ng umaga

“2024 is here, and I think I can afford to calm down.

“Since abundance is my (mantra) this year, maybe the lesson is the more you let go, then the more you can accept into your life.

“More help, more calmness, and more smiles rather than overthinking.”

“I am loved, I am ok and I am supported. Hay. Amen for everything,” pahayag pa ng aktres.

Ikinasal sina Kylie at Aljur noong 2018 at biniyayaan nga sila ng dalawang anak. Pero July, 2021 ay kinumpirma ni Sen. Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur. Aniya, third party ang dahilan ng breakup ng dating celebrity couple.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay masaya na si Aljur sa piling ng sexy star na si AJ Raval na natsismis na meron na raw anak habang balitang meron na ring bagong dyowa ngayon si Kylie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending