Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date sa Japan: 'TokYou have my heart!' | Bandera

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date sa Japan: ‘TokYou have my heart!’

Pauline del Rosario |February 09,2023
facebook
share this

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date sa Japan: ‘TokYou have my heart!’

Pauline del Rosario - February 09, 2023 - 06:10 PM
Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date sa Japan: 'TokYou have my heart!'

KASALUKUYANG namamasyal sa Japan ang aktor na si Carlo Aquino kasama ang aktres na si Charlie Dizon.

Kung maaalala, kamakailan lang ay inamin ni Carlo na nasa “dating stage” sila ng aktres.

Ibinandera mismo ni Carlo sa Instagram ang isang video ni Charlie habang naglalakad at umaawra sa siyudad ng Tokyo.

May caption pa ang aktor na tila hugot line niya para sa aktres na sinabing, “TokYou have my heart.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Nakapatay ang comment section sa nasabing post kaya walang komento ang mga netizens, lalo na ang mga Marites.

Matatandaang inamin ni Carlo sa isang panayam na maraming katangian si Charlie na talagang nagustuhan niya.

Hindi na niya ito inisa-isa, pero dahil daw dito ay napalapit agad siya sa dalaga habang ginagawa ang project nila together na may titulong “Love on a Budget” na ipinalabas last year.

Naunang umugong ang balitang may namamagitan sa dalawa matapos mapansin ng mga netizens ang “closeness” sa larawang ibinahagi ni Charlie sa Instagram na kasama si Carlo habang nakikipag-bonding sa mga kaibigan si Charlie.

Samantala, noong nakaraang buwan ay ibinalita ng Star Magic Head na si Lauren Dyogi na nasa Japan si Carlo para sa kauna-unahang international project nito.

Wala pang detalye sa nasabing proyekto, pero kasama niya sa upcoming film ang ilang sikat at beteranong Japanese artists, tulad nina Takehiro Hira at Sho Ikushima.

Related chika:

Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending