Sam, Catriona sa Japan nag-Holy Week; kumpirmadong sa Australia magpapakasal | Bandera

Sam, Catriona sa Japan nag-Holy Week; kumpirmadong sa Australia magpapakasal

Reggee Bonoan |April 10,2023
facebook
share this

Sam, Catriona sa Japan nag-Holy Week; kumpirmadong sa Australia magpapakasal

Reggee Bonoan - April 10, 2023 - 04:31 PM

SA Tokyo, Japan nagtungo ang engaged couple na sina Sam Milby at Catriona Gray nitong nakaraang Holy Week base na rin sa Instagram post ng 2018 Miss Universe ngayong araw.

Ipinost ni Cat ang larawan nila ni Sam na nasa Tokyo Skytree at base sa Google ay ito ang broadcasting at observation tower sa Sumida, Tokyo na tallest building sa Japan na isa ring restaurant.

Ang caption ng dalaga sa mga larawan nila ng fiancé ay, “Our first trip as an engaged couple exploring the city of Tokyo.  @samuelmilby.”

Maraming netizens ang nag-like sa mga larawan na hinalikan ng aktor ang kanyang fiancée sa pisngi at kinilig naman ito.

Mula kay @catriona_samuel, “Ang tamis.”

Sey ni @faithjovellanos, “So ganda, Cath! Miss u! Enjoy kayo ni Sam!”

Waiting naman na si @emmanuellloyd_colton sa kasal ng dalawa, “You two are just the cutest! Cant wait for your wedding.”

Baka Bet Mo: Sam Milby, Catriona Gray sa ibang bansa nga ba ikakasal?

Obserbasyon ni @gelineave, “You look very happy Cat!”

Ang matagal ng may crush sa dalaga na si @david_okpodu, “My beautiful and sexy celebrity crush Catriona.”

Sabi ni @ate_mennie, “My CatSam heart so happy to both of you. Have fun and create lovely memories together.”

Ayon kay @iamimeldabc, “Cat bagay na Bagay kayo ni Sam Milby.”

Ang wish ni @catsamph, “Awwww wishing you two cross off more bucket list of travel destinations together.”

Speaking of wedding ay kumpirmadong sa Australia ang kasal nina Sam at Catriona para ma-witness din ng relatives ng kanyang Daddy Ian Gray na tagaroon.

At madali rin ito para naman sa pamilya ng aktor na lumipad doon galing ng Ohio, United States at higit sa lahat ay gusto ng dalawa na intimate lang ang wedding nila.

Kung tama ang dinig namin ay sa 2024 na ang special day nang dalawa at nag-aayos na sila para rito with their wedding coordinator.

Related Chika:

Catriona Gray, Sam Milby engaged na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending