Jenn Rosa super kilig pag sinasabihang kamukha ni Marian

Vivamax star Jenn Rosa super kilig kapag sinasabihang kamukha ni Marian

Ervin Santiago |March 12,2024
facebook
share this

Vivamax star Jenn Rosa super kilig kapag sinasabihang kamukha ni Marian

Ervin Santiago - March 12, 2024 - 08:12 AM

Vivamax star Jenn Rosa super kilig kapag sinasabihang kamukha ni Marian

Jenn Rosa at Marian Rivera

MALAKI ang pagkakahawig ng bagong Vivamax Sex Siren na si Jenn Rosa kay GMA Primetime Queen Marian Rivera.

Si Jenn ang lead star sa latest Vivamax Original Movie na “T.L. (Team Leader)” kasama ang mga palaban ding sexy actor na sina Nico Locco at Armani Hector.

Nakachikahan namin si Jenn sa presscon ng “T.L.” kamakailan at marami nga ang nakapansin na may mga anggulo siyang parang si Marian, lalo na kapag nag-smile na siya at nagsalita.

Kilig na kilig naman ang dalaga nang sabihin namin sa kanya na pwede siyang pumasa na twin sister ni Marian, pero mas wild version nga lang dahil nga sa mga ginagawa niyang sex films sa Vivamax.

Baka Bet Mo: ‘Pusong Bato’ composer Alon dela Rosa pumanaw na; tinanggihan daw ng mahigit 40 ospital

“Idol na idol ko po talaga si Miss Marian. Pinapanood ko yung mga series and movies niya. Hindi ko pa siya nakikita in person pero sana one day, makilala ko siya,” ang excited na chika ni Jenn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jenn Rosa (@jennrosa26)


Siyempre, pangarap din niya na makatagpo ng dyowa na tulad ni Dingdong Dantes dahil bukod daw kasi sa super talentado ng Kapuso Primetime King ay napakabait at responsible pang asawa at tatay.

Samantala, walang arte-arteng ginawa lahat ni Jenn ang mga intimate scenes niya sa “T.L.” mula sa direksyon ni Jay Castillo, anak ng dating aktor na si Jordan Castillo.

Sey ni Jenn, wala raw siyang masyadong limitations pagdating sa paghuhubad, basta kailangan daw sa istorya at mas mapapaganda ang pelikula, go, go, go lang daw siya.

Baka Bet Mo: Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat

“This is my first lead role that’s why I’m so thankful and grateful. I simply changed a few English dialogue. I feel that I can express the lines better in Tagalog.

“I always asked Direk Jay how was my acting. First lead role ko ito. Wala naman ako masyadong binago. Hindi naman ako nahirapan. It helped that Direk Jay made us undergo a workshop before we started shooting. Ang laking bagay ng guidance ni Direk,” aniya.

Isang mapusok at nakakaintrigang pelikula ang “T.L.” kung saan ipakikita kung paanong nakakapahamak at nakakasama ang sobrang pag-aambisyon.

Ang “T.L.” ay kwento ni Brenda (Jenn Rosa), isang mahusay na call center agent, na kahit na anong hirap at pagpupursigi sa trabaho ay hindi pa rin makuha ang inaasam na promotion.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Locco (@akoposinico)


Ang hindi niya alam, ang mga kasamahan niya pala sa trabaho ay pumapayag na magkaroon ng mga sexual favors sa kanilang mga TLs (team leaders) para magkaroon ng promotion.

Kahit na dismayado sa mga nangyayari sa trabaho, masaya pa rin si Brenda dahil kasama niya sa iisang kompanya ang boyfriend na si Phil (Armani Hector).

Nagagawan din nila ng paraan na magkaroon pa rin ng sex life kahit na nasa opisina. Pero ang mga patakas at patago nilang pagkikita ay matitigil nang baguhin ang oras ng trabaho ni Phil.

Dahil hindi na nakakasama si Phil, mas mabibigyan ng pagkakataon si Brenda na umangat at tumaas ang posisyon sa trabaho dahil makilala niya si TL Carl (Nico Locco), ang lalaking naatasang i-approve ang kanyang promotion.

Hindi tulad ng ibang supervisor na inaakusahang inaabuso ang posisyon, may reputasyon si Carl na malinis at marangal itong magtrabaho, pamilyadong tao rin ito na walang kahit na anong intriga o scandal na tinatago.

Dahil dito, naniniwala si Brenda na sa wakas ay magbubunga na rin ang mga pagtitiis at pagod niya sa trabaho.

Pero may matutuklasang malaking sikreto si Brenda tungkol kay Carl na siguradong ikakabigla ng lahat. Makuha pa kaya ni Brenda ang pinapangarap na promotion?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“O, ang bago niyang TL ay bibigyan lamang siya ng matinding pighati at kabiguan? Abangan at panoorin ang “T.L.” ngayong March 30, sa Vivamax lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending