‘Pusong Bato’ composer Alon dela Rosa pumanaw na; tinanggihan daw ng mahigit 40 ospital
Renee ‘Alon’ dela Rosa
SUMAKABILANG-BUHAY na ang singer-composer na si Renee “Alon” dela Rosa kaninang umaga, Sept. 15. Siya ay 61 years old.
Si Alon, na siyang original composer at nagpasikat ng kantang “Pusong Bato,” ay pumanaw dakong alas-7 ng umaga, habang nasa labas ng isang ospital sa Brgy. San Bartolome, Novaliches.
Ayon sa unang ulat, lack of oxygen ang cause of death ng OPM artist. Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ni Alon tungkol sa eksaktong dahilan ng pagkamatay nito.
“Wala na po si Papuy Renee Alon,” ang maikling pahayag ng anak niyang singer-dancer na si Justine dela Rosa sa pamamagitan ng Facebook.
Ilan sa mga nagbigay ng agarang tulong sa pag-aasikaso sa labi ni Alon sina Freddie Aguilar at Sen. Manny Pacquiao.
Bago namaalam ang composer, nanawagan pa ng tulong kahapon si Justine sa kanyang FB page, “Hello po, humihingi po kami ng kahit kaunting tulong pambili lang po ng oxygen para sa aking papa na si ‘Alon’. Nandito po kami ngayon sa district hospital. Any amount will do po and prayers na rin po. Salamat po.”
Kasunod nito, nagbigay uli siya ng update tungkol sa kundisyon ng ama, “ASAP: Need Oxygen Tank na may laman. at Private Hospital na rin po around QC na may avail na room po, please.”
Aniya pa, “Badly needed, private hospital with available room. Or baka may kakilala po kayo na tao na marrefer nyo po sa amin. Please po need ma-admit sa ospital ng papa ko.
“We need your help po. PS: nasa ambulance pa rin po si papa at kanina hapon pa po sila paikot-ikot sa iba’t ibang ospital. Wala po nag-aadmit dahil puno po yung rooms.”
Dugtong pa ni Justine, “35 hospitals (updated: mahigit 40 ospital ang napuntahan nila) na nalibot namin, bakit po puro reject? Lord, tulungan nyo po kami.
“We need recommended Private Nurse po. Just comment and PM me po.
“LF: Private Nurse (Registered) po sana, need po kasi malagyan dextrose kasi di pa po kumakain si papa simula kahapon,” sabi pa ni Justine.
Samantala, naglabas din ng sama ng loob ang pamangkin ni Alon na si Nadsla dela Rosa sa pamamagitan din ng FB kalakip ang ilang video ng singer.
Ani Nadsla, “In behalf of delarosa family grabe ginawa ng mga hayop na doctor at hospitals na tumanggi sa tito ko Renee Alon grabe grabe!
“In short napaka worst almost 48hrs nasa byahe at ambulance? Almost 30+hospitals napuntahan Walang kahit first aid sa lahat?
“Given na yung punuan pero yung tatanggihan na parang aso lang at kung mag judge na mamamatay na? Seryoso!!!?? P*t*ng ina nyo (negative sa antigen) gusto nyo positive parin?
“Grabe nangyari pero pag patay na lalapit kayo para san? Pera? So ending natanggap nyo nung patay na? God bless nalang sa mga family nyo sana wag maranasan.
“Hindi pa naupload ibang video pano makipagusap mga hayop na doctor di makatarungan mga reason at sagot nyo ! P*t*ng ina nyo!! dami namin gusto sabihin kita kita nalang.
“Pag pera na asikaso na?(emergency room)? eh nasa gilid lang galing! PLEASE SPREAD. REST IN PARADISE TITO,” litanya ni Nadsla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.