Kilalang TV host, character actor may milagrong ginagawa

Kilalang TV host, character actor may milagrong ginagawa kapag magkasama

Reggee Bonoan |March 10,2024
facebook
share this

Kilalang TV host, character actor may milagrong ginagawa kapag magkasama

Reggee Bonoan - March 10, 2024 - 04:42 PM

Kilalang TV host, character actor may milagrong ginagawa kapag magkasama

MARAMING nagtataka kung bakit sobrang close ang character actor sa isang kilalang TV host gayung wala naman silang project na magkasama.

Bagama’t konektado sa showbiz ang TV host, pero hindi naman siya umaarte o kumakanta para maging ka-close ang character actor.

Naikuwento na ito sa amin noong nakaraang taon pa pero hindi namin binigyan ng pansin kasi nga imposible, kung baga sa kanta, “sintunado” o baka matagal nang magkaibigan na muling nagkita.

Pero nu’ng muling banggitin ito sa amin ng maraming taong nakakakita sa TV host at character actor kung saan-saang mall ay napaisip kami uli.

Baka Bet Mo: KC nangungulila sa pagmamahal ng ina, hiling na bumalik ang pagiging super close nila ni Mega; Cristy Fermin na-touch

Hindi lang sa TV network kung saan konektado ang TV host ay maging ang mga personalidad na kakilala siya ay napansin na rin pero hindi sila nagtatanong, hanggang ngitian lang kapag nagkakasalubong.

Ang drama raw ni character actor kapag kasama ang TV host ay consultant at kung anik-anik na gadgets ang dala.

Medyo nawiwirduhan lang ang mga nakakakita kasi kapag magkasama sina TV host at character actor ay walang kabuntot na alalay na dati-rati naman ay laging may kasama ang una.

At higit sa lahat kapag sasakay daw sa sasakyan ay magkatabi ang TV host at character actor.

Sabi namin, baka kasi may pinag-uusapang business kaya magkasama sa sasakyan.

“Hindi pa ba sapat na magkasama na sila sa sasakyan at magpapababa pa sa mall tapos babalikan na lang sila ng driver?” tanong sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, hindi pa rin kami makaisip ng malisya kasi sa pagkakatanda namin ay wala namang record ang TV host na gumagawa ng milagro nu’ng dalawa pa siya, e, di siguro mas lalo na ngayong may asawa siya?

Bibilib naman kami kung sakaling may milagrong ginagawa ang TV host at character actor dahil ang dali-dali nilang pasundan, ‘no!  Ang dami kayang “Marites” sa paligid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending