Heaven, Kiko nakitang magkasama sa birthday party; magdyowa na nga ba? Bandera

Heaven, Kiko nakitang magkasama sa birthday party; magdyowa na nga ba?

Therese Arceo |July 21,2021
share this

Heaven, Kiko nakitang magkasama sa birthday party; magdyowa na nga ba?

Therese Arceo July 21,2021 - 05:54 PM

MULI na namang naging maugong ang pangalan ng mga Kapamilya stars na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada matapos kumalat ang litrato nila online.

Mamataan sa litrato na magkasama ang dalawa sa isang party at tila komportableng-komportable sa isa’t isa.

May isang fan account rin ang nag-upload sa Twitter ng litrato na may caption na, “Happy Sunday”.

Matatandaan na si Heaven ang itinuturong dahilan ng hiwalayan umano nina Kiko at dating “PBB” housemate na si Devon Seron.

Itinanggi naman agad ito ng aktres at sinabing wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng dalawa.

“I should not have been dragged into the personal issue bwtween Devon Seron and Kiko Estrada,” pahayag nito.

Ngunit mas tumindi ang ispekulasyon na may namamagitan sa dalawa nang makita silang magkasama sa Boracay.

Mayroon ding nag-viral na photo kung saan makikita ang dalawa na magkahawak-kamay habang patawid sila sa kalsada.

Bukod pa rito, isa pang photo ang kumalat sa social media kung saan nasa airport ang dalawa at tila pabalik na ng Maynila. Mapapansin rin na parehas ang suot nila sa litrato kung saan nakita silang magka-holding hands.

Sa kabila ng mga ito, nananatili pa ring tahimik ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending