Mga babae libre sa MRT-3, LRT-2 sa March 8

Mga babae libre sa MRT-3, LRT-2 sa pagdiriwang ng ‘Women’s Day’

Pauline del Rosario - March 07, 2024 - 02:13 PM

Mga babae libre sa MRT-3, LRT-2 sa pagdiriwang ng ‘Women’s Day’

INQUIRER file photo

GOOD news sa mga kababaihan na sumasakay ng tren!

Magkakaroon kayo ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa darating na Biyernes, March 8.

Ito ay para sa pagdiriwang ng “International Women’s Day.”

Ang schedule ng “free rides” ay simula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

Ayon sa pamunuan ng dalawang istasyon, ito ang kanilang paraan upang pasalamatan at bigyan ng suporta ang lahat ng babae na siyang inspirasyon sa lipunan.

Baka Bet Mo: Marian, Angel, Bea, Juday tuloy ang laban para sa karapatan ng kababaihan

“Ito pong libreng sakay natin para sa mga kababaihan ay pasasalamat ng LRTA sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan,” sey ni LRTA Administrator Hernando Cabrera.

Dagdag pa niya, “Sana po sa simpleng paraan po namin ay maramdaman ninyo na mahalaga kayo samin.”

Pahayag naman ng Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge na si Jorjette Aquino, “Sa MRT-3 pa lamang po, nariyan ang mga ticket sellers, security personnel, station supervisors, at iba pa pong kawaning babae na araw-araw nagtitiyak ng maayos at ligtas na biyahe ng mga pasahero.”

“Nararapat lamang po na ating pagpugayan at suportahan ang ating mga kababaihan lalo’t higit sa kanilang espesyal na araw,” mensahe pa ni Asec. Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa kaalaman ng marami, ang buong buwan ng Marso ay sadyang iniaalay sa mga kababaihan upang bigyang-pugay ang kahalagahan nila sa lipunan at para mas mapalakas ang “women empowerment.”

Nakasaad mismo ito sa batas ng Pilipinas mula pa noong 1988.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending