Marian, Angel, Bea, Juday tuloy ang laban para sa karapatan ng kababaihan | Bandera

Marian, Angel, Bea, Juday tuloy ang laban para sa karapatan ng kababaihan

Ervin Santiago - March 04, 2024 - 08:23 AM

Marian, Angel, Bea, Juday tuloy ang laban para sa karapatan ng kababaihan

Marian Rivera, Angel Locsin at Bea Alonzo

IPINAGDIRIWANG ngayong buwan ng Marso ang 2024 International Women’s Month na may temang “Inspire Inclusion.”

“When we inspire others to understand and value women’s inclusion, we forge a better world. And when women themselves are inspired to be included, there’s a sense of belonging, relevance and empowerment,” ang nakasaad na mensahe sa isang website hinggil sa taunang selebrasyon.

Kaya naman bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng IWM, naglista kami ng ilang kilalang female celebrities na patuloy na nakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga Filipino.

Bea Alonzo

BEA ALONZO

Aminado si Bea na naaapektuhan siya noon sa pagiging mataba lalo na kapag inookray at nilalait siya ng ibang tao. Pero natutunan din niyang mahalin ang sarili at maging inspirasyon sa kapwa kababaihan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso actress ng kanyang bikini photos na mat mensaheng, “Now I just want to forget how I hated myself for being ‘fat’ in other people’s eyes and just remember the things I love about my body.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas nanindigan para sa kababaihan: Kung wala kayo, wala talaga kami

“It’s the only body I am blessed with and I am thankful for my health because I can do things that make me happy.

“I hope this post could inspire other women to love themselves more-flaws and all. Let’s all work hard to better ourselves for us and not just so others could accept us,” ang pa-shoutout pa ni Bea.

Angel Locsin

ANGEL LOCSIN

Kilalang advocate ng women’s rights ang tinaguriang real life “Darna” ng Pilipinas, lalo na sa pagiging bukas sa mga napapanahon at makabuluhang isyu, kabilang na ang tamang pagtrato sa mga babae.

“Hindi ‘to issue kung ano ‘yung kayang gawin ng mga kababaihan, kung hindi ‘yung kultura na natin. Merong stigma. Ito ‘yung mga namana na natin unconsciously sa mga ninuno pa natin, sa society, sa kultura natin, kung papaano ba ‘to talaga ang behavior ng isang kababaihan.

“Tapos kapag hindi ka nag-conform doon, ‘pag hindi ka sweet, ‘pag hindi ka soft, ‘pag hindi ka caring, ‘pag hindi ka tahimik, ‘pag hindi ka mahinhin, ‘pag hindi ka masunurin sa asawa mo, ‘pag hindi ka, ‘yes, sir, yes, sir’ lang, hindi ka na ‘likeable.’

“Puwede bang tigilan nating isipin kung ano ‘yung opinyon ng ibang tao. Mas i-value mo pa ‘yung opinyon mo kasi du’n tayo nai-stuck, eh. Hindi puwedeng gagawa ka ng isang bagay na nagma-matter lang ‘yung opinyon ng iba kasi ang pinakaimportanteng tao dito is ikaw,” sabi ni Angel.

Paalala pa niya, “Kailangan mong panindigan (lahat ng desisyon mo). Maraming challenges sa ‘yo, maraming tutuligsa sa ‘yo, maraming magba-bash sa ‘yo, pero kung maniniwala ka naman sa sinasabi mo, hindi ka maaapektuhan, eh. Mahirap kang maapektuhan dahil mas secure ka, sure ka sa sinabi mo.”

Judy Ann Santos

JUDY ANN SANTOS

Marami nang nagawang projects si Juday na swak na swak sa kanyang advocacy on women empowerment. Ilan sa mga ito ay ang pagpapakita sa iba’t ibang pang-aabuso sa mga kababaihan.

“We want to show that women shouldn’t allow themselves to be abused, that we should fight or at least defend ourselves when we know we’re right.

“We want to help boost the morale of women. I want to inspire. Hindi tayo dapat sunud-sunuran lang sa lalaki, na papayag ka lang na apihin,” mariing sabi pa ni Judy Ann.

Iza Calzado

IZA CALZADO

Isa si Iza sa mga bumuo ng She Talks Asia, isang women empowerment platform para sa modern Filipina. Kapag nabigyan ng chance, talagang nagbibigay siya ng talk sa self-love, body positivity at equality.

“I think an empowered woman, first of all, can make decisions for her own life, and is totally responsible for herself. Sometimes, even for others. Right?

Baka Bet Mo: Ruru Madrid bayani ang turing sa mga kababaihan

“But more of she can be responsible for herself, she is confident in who she is, especially to the point that she doesn’t need to pull down others in order to feel good about herself.

“Because there are people who are confident but need to pull down others in order to feel confident. An empowered woman cares—cares about what’s happening around her,” ang pahayag ni Iza.

Bianca Gonzalez

BIANCA GONZALEZ

Si Bianca naman ang nagsisilbing content director ng She Talks Asia at naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng kanilang digital series sa mga problema at pressing issues ng kababaihan.

Bukod sa women empowerment, kilala rin si Bianca sa kanyang adbokasiya sa gender equality. In fact, tina-try din daw niyang palakihin ang daughter niya sa isang gender-neutral na kapaligiran.

“Since she was born, I’ve been very conscious about exposing our daughter to gender-neutral colors, toys and books. White, gray, khaki, navy. Cooking sets and cars. No such thing as for girls only or for boys only,” ani Bianca.

Andi Eigenmann

Body positivity at gender equality din ang ipinaglalaban ni Andi. Mas lalo pang umigting ang kanyang pakikiisa sa adbokasiya na ito nang punahin at makatanggap ng hindi kagandahang mga komento ang anak niyang Ellie nang magpaikli ito ng buhok.

Banat ni Andi sa mga netizens, “My daughter STILL IS beautiful, and no matter how much she will change through time, she always will be. Because it was never her long hair that made her look good.

“Ellie can have her hair any way she wants, and it shouldn’t make her less of a woman if she has it short.

“Shame on these other women making my girl feel like she did something wrong all because her hair is short. I am trying to raise a child that is comfortable in her own skin. That is confident in being true to who she is, regardless of what others may think.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Why can’t we just learn to support and encourage other women to be confident, and strong, and to stay true to who they are?

“What motivates me to keep a mindset like this is the hope that by being the best version of myself, I can inspire my children to grow up to be the best version of theirs, imperfections and all,” ang punto pa ng celebrity mommy.

Marian Rivera

MARIAN RIVERA

Nais naman ng Kapuso Primetime Queen na maging inspirasyon sa mga kababaihang natatakot magkaanak at maging ina.

“Gusto kong maging magandang ehemplo sa mga nanay na natatakot magbuntis, natatakot mag-iba ang shape nila kapag nagbuntis sila.

“Huwag silang matakot magbuntis. Puwede naman, basta alagaan nila ang sarili nila. Kumain lang nang sapat. Ang sabi ko nga, lahat naman puwede, huwag lang sobra.

Marian, Angel, Bea, Juday tuloy ang laban para sa karapatan ng kababaihan

Dagdag pa ni Marian, “Hindi ako nagda-diet kapag nagpapa-breastfeed ako. Kung magda-diet ako, walang sustansyang makukuha ang anak ko sa gatas. Ang maganda, ‘yung asawa ko (Dingdong Dantes) ang nagpupusiging mag-exercise kami. Sa village lang, tumatakbo kami.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending