Alfred Vargas nanindigan para sa kababaihan: Kung wala kayo, wala talaga kami
Ngayong Marso ipinagdiriwang ang ‘National Women’s Month’ at tinanong ng BANDERA sa ilang artista kung ano ang kahalagahan ng mga babae sa lipunan at paano mas mapapalakas ang women empowerment.
Binigyang halaga ng actor-politician na si Alfred Vargas ang mga kababaihan na siyang nagbibigay ng buhay sa lahat.
Pagbati niya, “Para sa lahat ng kababaihan, Happy Women’s Month! Kayo ang aming nanay, ate, lola na talagang nagpapaganda ng mundo at ano ba naman ang mundo kung wala kayo.”
“At sana lalo pa tayong magmahalan at nandito lang kami parati and I give tribute sa lahat, lalo na ang mga nanay, kayo po talaga ang nagpalaki sa amin kesyo lalake o babae, kung wala kayo, wala talaga kami,” lahad ni Alfred.
Related chika:
BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month
BABAE IBANDERA: Pinay celebrities and personalities na handang tumulong sa kapwa
‘Kasabihan’ ni Herlene Budol pambabastos daw sa kababaihan: My apologies po, hindi na po mauulit
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.