Proyektong pangkabuhayan ni Alfred natulungan 4,500 residente

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas umabot sa 4,500 ang natulungan

Ervin Santiago - March 29, 2025 - 07:59 AM

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas umabot sa 4,500 ang natulungan

Alfred Vargas

MASAYANG ibinahagi ni Quezon City  5th District Councilor Alfred Vargas ang tagumpay ng kanilang makabagong programang pangkabuhayan na nakatulong sa mahigit sa 4,500 residente mula sa kanyang distrito.

Nakatutok ang programa sa: 1) pagdaraos ng mga regular na job fair kung saan maaaring makahanap ng trabaho ang residente; 2) Pagbibigay ng puhunan sa mga nag-uumpisang mga negosyante; 3) at pagsasanay pang-bokasyonal gayundin ang
paglilinang sa kanilang mga kasanayan.

Aniya, sa pamamagitan ng job fair, mahigit 1,000 residente ang nabigyan ng trabaho. Nasa higit 2,500 naman ang nabigyan ng puhunan para makapagsimula ng maliit na negosyo.

Sa tulong ng TESDA, ipinakilala sa mga residente ang Asenso Vocational module kung saan tinuruan ang mga ito ng kaalaman sa meat processing, paggawa ng sabon, perfume production at dishwashing liquid production.

Sa nasabing pagsasanay, nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na magkaroon ng sariling online business at naturuan din ang mga ito na gamitin ang mga social media platforms tulad ng Facebook para  maibenta ang kanilang produkto.

“This all started by talking to the people, listening to their needs, especially the livelihood sector. Now, it’s come full circle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🌸 Yasmine E. Vargas 🌸 (@yasmine_vargas2307)


“The positive change it brings to people’s lives is beautiful and truly inspiring. Nakakatulong sa kani-kaniyang mga pamilya ang mga mismong natulungan natin magkaroon ng kabuhayan,” pahayag ni Vargas.

Marami rin aniya sa mga natulungan ng programa ang nagtagumpay. Isa na rito ang isang scrap collector o basurero na dati ay nagtutulak lamang ng kariton subalit ngayon ay may-ari na ng isang junkshop.

Mayroon din aniyang nagtitinda ng chicharon na ngayon ay nakakapagpaaral na ng mga anak at isang mananahi na nabigyan ng isang makina at ngayon ay nagsu-supply na ng uniforms at towels sa mga kumpanya.

Isa pang benipisyaryo ang ngayon ay nagtitinda na ng pabango online at kumikita ng ekstrang P500 hanggang 700 kada buwan.

Maliit man aniya kung iisipin ang kitang ito subalit malaki ang naitutulong nito sa isang indibidwal.

“That extra income helps pay electricity, water bills,or buy diapers and milk. It may not be too much for some, but for families it has a big positive impact,”  pahayag ni Vargas.

Malaki din aniya ang tulong ng programa sa mga ina ng tahanan na nananatili sa bahay at ngayo’y  abala na rin sa  kani-kanilang negosyo.

“They’re proud to create something of their own, like perfumes, and sell it. It’s not just income; they are able to follow their passion and provide comfort for their households at the same time,” paliwanag ni Vargas.

Katuwang ang TESDA at DOLE, nabigyan ng  kakayahan ang mga indibidwal partikular na sa mga urban poor at persons with disabilities  ng magkaroon ng maliit na negosyo  o trabaho na sustainable.

Nilinaw din ni Councilor Vargas na  pangmatagalan ang  suportang ibinibigay ng kanyang tanggapan sa mga benepisyaryo ng programa  sa tulong ng kanyang kapatid na si Congressman PM Vargas.

“Hindi lang kami nagbibigay ng startup capital at  pagkatapos ay pababayaan na.  Nagbuo tayo ng mentor-student system kung saan sinusubaybayan ang kanilang progreso, at tinutulungan silang malampasan ang mga hamon.

“Dahil sa ganitong approach, ang mga simpleng simula ay naging matatag na kabuhayan,” paliwanag ng konsehal.

Ang patuloy na pagdami ng mga natutulungan ng programa ay nagpapakita ng dedikasyon ni Vargas sa pagpapaunlad sa mga residente ng lungsod.

“Kahit maliit na dagdag kita, malaki ang epekto sa mga pamilya. Makikita mo sa kanilang mata ang kaluwagan na kanilang natatamasa, ang pag-asa na kanilang nakikita. Iyon ang dahilan kung bakit ito ay isa sa mga programang tunay naming ipinagmamalaki,” paliwanag ni Vargas.

Bilang kongresista (2013–2022), isinulong ni Vargas ang Tulong Trabaho Act (Republic Act No. 11230), na naging batas noong 2019. Itinatadhana ng batas na ito ang libreng teknikal-pangbokasyonal na pagsasanay para sa mga hindi nagtatrabaho at kulang sa trabaho sa pamamagitan ng TESDA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bilang konsehal mula 2022, patuloy na pinapahalagahan ni Vargas ang mga serbisyo panlipunan at pag-unlad ng kabuhayan. Sa kasalukuyan, nakatulong na siya sa mahigit na 4,500 na mamamayan na mabigyan ng trabaho, puhunan, negosyo at opsiyal na course certificates.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending