Jerald, Kim 10 years nang magdyowa, ayaw makiuso sa hiwalayan

Jerald, Kim 10 years nang magdyowa, ayaw makiuso sa showbiz hiwalayan

Ervin Santiago |March 07,2024
facebook
share this

Jerald, Kim 10 years nang magdyowa, ayaw makiuso sa showbiz hiwalayan

Ervin Santiago - March 07, 2024 - 07:58 AM

Jerald, Kim 10 years nang magdyowa, ayaw makiuso sa showbiz hiwalayan

Kim Molina, Jerald Napoles at Kayla Rivera

WALANG kabalak-balak makiuso sina Jerald Napoles at Kim Molina sa sunud-sunod na nagaganap na hiwalayan sa mundo ng showbiz.

In fairness, 10 years na ang relasyon ng celebrity couple at marami na rin silang napagdaanang challenges at iba’t ibang isyu sa kanilang pagsasama.

Talagang #RelationshipGoals ang peg ng magdyowa kaya naman marami ang humahanga kina Jerald at Kim dahil hanggang ngayon ay nananatiling solid ang kanilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Nanay ni Jerald Napoles kung anu-anong trabaho ang pinasok: ‘Naging manikurista, nagtinda sa Divisoria, nag-floor manager, nag-yaya’

Humarap sa ilang members ng entertainment media si Jerald sa presscon ng bago niyang show sa TV5, ang sitcom-game show na “Barangay Singko Panalo”.

Dito natanong ang actor-singer and dancer kung ano ang sikreto ng matatag na pagsasama nila ni Kim at kung may maibibigay ba siyang advice sa mga showbiz couple na dumaraan ngayon sa pagsubok?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)


“Well, ayaw naming ikumpara ‘yung sarili namin sa pinagdadaanan nila. Iba rin kasi talaga ‘yung issue ng bawat couple. Magugulat na lang nga kami na ‘ay ganu’n pala ‘yung issue nila.’

“So different personality, different reasons, but we don’t wanna compare ourselves pero kami ni Kim kasi is napagdaanan namin ‘yung… sa lahat kasi, ‘yung pandemic ‘yung matinding pinagdaanan, I think in every relationship,” ani Jerald sa presscon ng “Barangay Singko Panalo” kung makakasama niya si Kayla Rivera as co-host.

Pagpapatuloy pa niya, “Meron ding study kasi na what’s happening right now, everything that’s happening right now is residue ng pandemic, eh. ‘Yung the last decision made before moving on to the new world.

“Pero I don’t want to give that reason du’n sa mga naghiwalay. Siguro, nagkataon lang talaga na it’s just… 2023 is the end and it’s the beginning para sa iba’t ibang tao,” sey pa ni Jerald.

Dagdag pa niyang chika, “Ang sa amin, basta meron kami na ‘sabihin kaagad natin sa isa’t isa kung ano ang problema. Ayusin natin kaagad.

Baka Bet Mo: Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

“Kung may problema, sana sabihin mo agad sa akin. Okay lang, mag-away na tayo ngayon, huwag na nating alam mo ‘yun, ipunin?” dugtong ng aktor.

Pahabol pa niya, “Pero hindi ko sinasabing perfect kami ni Kim.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kayla Rivera (@mskaylarivera)


Sa tanong naman about wedding, wala pa raw ito sa top priorities nila ni Kim dahil sa ngayon gusto muna nilang mag-focus sa kanilang career at business. At patuloy pa rin daw silang nag-iipon.

Samantala, simula ngayong March, mas magiging exciting ang primetime ng mga Kapatid viewers dahil sa bagong programang hatid ng TV5 na “Barangay Singko Panalo.”

Ito ay isang original game show ng TV5 na may halong sitcom elements na hango sa daily lives ng mga Pinoy at binibigyan ang mga players ng pagkakataong manalo hanggang P100,000 araw araw.

Pinangungunahan ni Kagawad Je (Jerald Napoles) at ang magandang SK Kayla (Kayla Rivera), kasama si Kap Al na si Ej Gonzaga at iba pang mga kasama sa Barangay Singko, tiyak na magiging paboritong libangan ng lahat ang “Barangay Singko Panalo” araw-araw.

Sa bawat episode, may mga problema at scenarios ang haharapin ng mga barangay contestants. Magiging unpredictable ang mga challenges sa bawat round at mula sa limang players, isa lang ang maaaring makasama sa jackpot round para manalo ng cash prize up to P100,000.

Hangad ng bagong game show na makilahok ang lahat ng barangay sa buong bansa sa pamamagitan ng saya, premyo, at mga sorpresa na tiyak na magbibigay-kulay sa buhay ng bawat isa.

Sa nakakaaliw na tambalan nina Kagawad Je at SK Kyla, ang mga manonood ay paniguradong hahanap-hanapin ang kasiyahan sa mga challenges at kaganapan kada episode.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumali na sa araw-araw na excitement na hatid ng “Barangay Singko Panalo” simula March 11, Lunes hanggang Biyernes, 5:30 p.m. sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending