Tom Rodriguez umaming may dine-date na bagong girl ngayon

Tom umaming may dine-date na bagong girl ngayon pero ayaw munang mag-talk

Ervin Santiago |February 29,2024
facebook
share this

Tom umaming may dine-date na bagong girl ngayon pero ayaw munang mag-talk

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 08:41 PM

Tom umaming may dine-date na bagong girl ngayon pero ayaw munang mag-talk

Tom Rodriguez

INAMIN ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez na may dine-date na siya ngayon makalipas ang halos tatlong taon mula nang maghiwalay sila ni Carla Abellana.

Ito’y matapos ihayag ng aktor na naka-move on na siya nang bonggang-bongga sa kontrobersyal na paghihiwalay nila ng kanyang ex-wife na si Carla.

Pero ayaw munang magdetalye ni Tom tungkol sa kanyang lovelife, mas gusto raw muna niyang “magdamot” sa pagse-share about his personal life, partikular na sa identity ng babaeng nagpapaligaya ngayon sa kanya.

Sa panayam ng “24 Oras” ngayong gabi, kinumpirma nga ni Tom that he’s seeing someone na nagbibigay kulay ngayon sa kanyang personal na buhay.

Baka Bet Mo: JC Alcantara nang-ghost ng young actress na dine-date noon: Iniisip ko muna ‘yung sarili ko that time

Ayon kay Tom, 100 percent healed na siya sa breakup nila ni Carla at handa na siyang magmahal uli at bigyan ang love ng second chance.

“Yeah I do, I am now. In fact I am seeing someone. Once I was ready, it came at the right time. At that point, I thought it would never happen again,” sabi ni Tom.

Nang tanungin kung kailan niya ipakikilala ang kanyang bagong pag-ibig, “I don’t know, Magdadamot ako yata. Like what I said, I really want to keep it to myself.

“But like I said, I’ll live my life like how it is. So, eventually siguro everyone would—what they see is what they get. But for now, it’s my own now,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akositomrodriguez)


Nauna rito, sinabi nga ni Tom na buong-buo na uli ang kanyang pagkatao matapos ang paghihiwalay nila ni Carla.

More than two years ding namalagi ang aktor sa Amerika after ng breakup nila ni Carla at ngayon nga ay handa na uli siyang magbalik-showbiz na super na-miss niya nang bonggang-bongga.

Last month bumalik sa Pilipinas si Tom na nagdesisyong magtungo sa Arizona, USA noong 2022, matapos ang pinag-usapang hiwalayan nila ni Carla.

Baka Bet Mo: Luis nakaranas na ng one-night stand, 2 babae pinagsabay; Jessy ine-edit noon ang mga litrato sa socmed

Ayon kay Tom, simpleng buhay ang naranasan niya sa Amerika at napakarami raw niyang natutunang life lessons habang naroroon at malayo sa mundo ng showbiz.

“Two weeks lang dapat ako nandoon. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit,” ang pahayag ni Tom sa panayam ng “24 Oras”.

Patuloy na pagbabahagi ni Tom, habang nagmu-move on sa paghihiwalay nila ni Carla, natuto rin siyang magluto at maglaba ng kanyang mga damit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, ‘yung washing machine tsaka dryer doon, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” kuwento ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending