Carla Abellana sa chikang 'pumanaw' na siya: Aray ko po!

Carla Abellana sa chikang ‘pumanaw’ na siya: Aray ko po!

Therese Arceo |February 20,2024
facebook
share this

Carla Abellana sa chikang ‘pumanaw’ na siya: Aray ko po!

Therese Arceo - February 20, 2024 - 11:46 PM

Carla Abellana sa chikang 'pumanaw' na siya: Aray ko po!

NATAWA na lang ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa mga kumakalat na balitang sumakabilang buhay na siya.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang post ng isang netizen na may username na @justskymac_29.

Sey ng netizen kay Carla, “Pinapatay ka na… HOAX ito at kailangan niya [nang] makasuhan. Dami nang ginawan ng fake news nitong tao na ito.”

Sa kabila ng negatibong balita ukol sa kanya ay tinawanan na lang ng aktres ang fake news ukol sa kanya.

“Aray ko po [laughing emoji],” sey ni Carla.

Bukod sa Kapuso actress, nagawan rin ng death hoax ang Diamond Star na si Maricel Soriano ng parehas na taong nag-post na patay na siya.

Baka Bet Mo: Carla Abellana hindi bet ang ‘blind dates’, ready na ba magka-lovelife?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Nag-comment nga si Carla sa naturang post at sinabing huwag na lamang pansinin ang pino-post ng walang magawang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Wag na po natin siya bigyan ng attention kasi yun po nagmomotivate sa kanya to keep doing it. Tawanan nalang po natin siya at kaawaan,” sey ng Kapuso actress.

Hindi naman na bago ang mga balitang nagpapakalat na patay na ang isang personalidad kahit wala naman talaga itong katotohanan.

Kahit ang award-winning comedian at actor na si Michael V. ay nabiktima rin noong 2020 kung saan sinabing pumanaw na siya kahit ang totoo ay nagpapagaling na siya matapos tamaan ng sakit na COVID-19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending