Carla Abellana hindi bet ang ‘blind dates’

Carla Abellana hindi bet ang ‘blind dates’, ready na ba magka-lovelife?

Pauline del Rosario |February 10,2024
facebook
share this

Carla Abellana hindi bet ang ‘blind dates’, ready na ba magka-lovelife?

Pauline del Rosario - February 10, 2024 - 02:30 PM

Carla Abellana hindi bet ang ‘blind dates’, ready na ba magka-lovelife?

PHOTO: Instagram/@carlaangeline

HANDA na kayang magkaroon ng bagong pag-ibig ang aktres na si Carla Abellana?

‘Yan ang tanong ng marami matapos ibandera ng Queen of All Media na si Kris Aquino na may irereto siyang kaibigang doktor para kay Carla.

Sa naging panayam with “24 Oras,” inamin ni Carla na hindi pa niya naiisip ang magkaroon ng lovelife.

“Dating, my goodness, I wouldn’t say din naman na I’m open to it, pero parang ayoko pa siya masyadong isipin, and not that I’m blocking myself,” sey niya.

Pero kung sakali raw, hindi niya bet ang makipag-blind date.

“Ayoko ng blind date,” sambit niya.

Baka Bet Mo: Carla hindi takot makaharap muli si Tom: I don’t feel intimidated!

Paliwanag niya pa, “Hindi ako comfortable sa blind date.”

Natanong din si Carla kung may mga nagpaparamdam na sa kanya upang umakyat ng ligaw.

Ang sagot niya, “Meron naman noon, pero ngayon parang hindi na gaano o parang – I don’t know where they are.”

Kung matatandaan, naging mister ng aktres ang aktor na si Tom Rodriguez.

Naghiwalay ang dalawa noong 2021, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas matapos silang ikasal. 

Noong June 2022 nang ibinalita ni Tom na divorced na sila ni Carla.

Kamakailan lang, nag-trending ang pagreto ni Kris sa aktres sa kabila ng pinagdadaanan nitong pagsubok sa kalusugan.

Nagsimula ito nang magkomento si Carla sa Instagram post ng dating TV host tungkol sa kanyang health condition

“Prayers for you, Ms. Kris,” mensahe ni Carla sa TV host-actress.

Reply naman ni Kris sa kanya, “If you’re already in the process of getting annulled we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”

Sey ng Kapuso actress, natutuwa siya sa gesture ng Queen of All Media dahil naisip pa nito ang kanyang lovelife.

Pero agad niyang nilinaw na wala pa sa plano niya ang magdyowa ulit, “Medyo mahirap iyon kasi all the way sa US. Medyo natatakot pa po ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Not that I don’t want to take her offer or not that I don’t trust her pero sa ngayon parang tatawanan ko na lang muna. Hindi ko muna ie-explore ‘yun,” esplika ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending