Tom Rodriguez balik-Pinas na, game kayang makatambal uli si Carla Abellana?
NAKAUWI na ng Pilipinas ang Kapuso actor at dating asawa ni Carla Abellana na si Tom Rodriguez.
Ito’y makalipas ang halos tatlong taong pananatili ni Tom sa Amerika matapos silang maghiwalay ni Carla na talagang naging malaking isyu noon sa showbiz.
Sa isang Instagram post, kinumpirma ng kanyang talent manager na si Popoy Caritativo ang pagdating ng aktor sa Pilipinas pero hindi niya binanggit kung kailan ito dumating.
Ang inilagay ni Popoy na caption sa litrato nila ng kanyang talent na kuha sa isang lugar sa Mandaluyong City, “Hello, Tom!”
Tsinek namin ang IG page ni Tom pero hanggang ngayon ay naka-deactivate pa rin ito.
Marami naman ang na-excite sa pagbabalik ng ex-dyowa ni Carla sa bansa kabilang na ang veteran actress na si Coney Reyes at ang singer-actor na si Franco Laurel.
Baka Bet Mo: Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana?
“Welcome home,” ang halos iisang komento ng mga netizens.
Matatandaang lumipad patungong Arizona, USA si Tom noong March, 2022 nang magdesisyon silang maghiwalay ng dating asawang si Carla.
Mula noon ay hindi na umuwi pa sa Pilipinas si Tom at pansamantala munang nanirahan sa Amerika. Habang naroon ay rumaraket siya sa mga special shows at concerts doon.
Kung hindi kami nagkakamali, ang huling project pa ni Tom ay ang seryeng “The World Between Us” na napanood sa GMA noong 2021 hanggang 2022.
Nakasama niya sa naturang primetime series sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
Sa isang panayam ng press kay Carla, sinabi nitong hindi pa siya okay na makasama si Tom sa kahit anumang project.
“Maraming beses na rin naman kaming nagkatrabaho. Hindi sa ayaw, pero ang dami ko pa rin kasing hindi nakakatrabaho, di ba? “So, sana iba naman po muna. Hindi rin ako kumportable!” sey ni Carla. E, si Tom kaya, game ba siyang makatambal uli ang kanyang ex-wife? Yan ang aabangan natin.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.