Luis nakaranas na ng one-night stand, 2 babae pinagsabay; Jessy ine-edit noon ang mga litrato sa socmed | Bandera

Luis nakaranas na ng one-night stand, 2 babae pinagsabay; Jessy ine-edit noon ang mga litrato sa socmed

Ervin Santiago |August 15,2021
facebook
share this

Luis nakaranas na ng one-night stand, 2 babae pinagsabay; Jessy ine-edit noon ang mga litrato sa socmed

Ervin Santiago - August 15, 2021 - 09:55 AM

Luis Manzano at Jessy Mendiola

“NANLOKO” na rin ng babae ang TV host-actor na si Luis Manzano noong kanyang kabataan.

Ito ang diretsahang inamin ng anak nina Rep. Vilma Santos at Edu Manzano nang sumabak sila ni Jessy Mendiola sa “Never Have I Ever” game.

Mapapanood ito sa latest YouTube vlog ni Jessy kung saan sinagot nga ng celebrity couple ang mga personal questions na may kinalaman sa kanilang past.

Isa nga sa mga naitanong sa dalawa ay kung nag-cheat na sila, sagot ni Luis, “I have, high school tsaka college. Dalawa silang dine-date kong sabay. Actually ‘di ko nga masyadong maalala, eh. Pero alam ko, marami lang akong dine-date noon.”

Ngunit agad namang nilinaw ng mister ni Jessy na never siyang nagloko o nag-cheat sa past relationship niya noong naging adult na siya.

Inamin din ng TV host na na-experience na rin niya ang makipag-one-night stand noong bata-bata pa siya.

Samantala, napaamin din si Luis sa nasabing vlog na may pagkakataon na hindi sila nag-usap nang matagal ng kaibigan niyang si Anne Curtis dahil sa kanilang respective lovelife.

“A while back, parang hindi niya gusto ‘yung dine-date ko nu’ng time na ‘yun. Tapos parang sabi niya, ‘Manzano, as long as dine-date mo ‘yun, hindi tayo mag-uusap.’

“Nu’ng time na ‘yun, may dine-date rin siya, so sabi ko, ‘Sige, quits tayo.’ Kasi parang sabi ko, you’re not good for each other. Kung hindi kayo maghiwalay or stop seeing each other, ‘di rin tayo mag-uusap. 

“So may time na kami ni Anne ay hindi kami nag-uusap dahil ‘di namin gusto ‘yung mga dine-date namin respectively,” chika pa ng Kapamilya comedian.

For her part, sinabi naman ni Jessy na may tinabla siyang mga kaibigan nang dahil sa relasyon nila ni Luis. Hindi raw kasi boto ang mga ito sa kanilang pagmamahalan.

“I also have friends before na ayaw kay Luis, and puro pangba-bash ‘yung ginawa nila sa akin. Siyempre na-hurt ako kasi nung time na ‘yun, parang, huh? 

“Luis is a good guy, why would you not want him for me? So ang ending, iniwan nila ako, binash nila ako, and after a few months, nag-sorry naman din sila sa akin. 

“But, you know, it’s never the same. Especially alam mong wala ka namang inagrabyado, wala ka namang ginawang masama, tapos bigla kang ginano’n. So yeah, I have,” pagtatanggol pa ng aktres sa kanyang asawa.

Sa isang bahagi ng vlog, napaamin din si Jessy na totoong ine-edit niya noon ang mga litratong ipino-post niya sa social media.

“I have. I tried editing my photos nung time na super taba ko tapos bina-bash ako ng mga tao. So medyo nag-iba ‘yung pag-iisip ko doon or pananaw ko.

“Kailangan, shocks, payat lagi ang i-post ko sa social media. Dapat walang stretch marks, dapat walang imperfections para hindi ako i-bash. 

“But it turns out, mas nahahalata pa at mas nagmumukhang fake talaga ‘pag nakita ka nila in person or sa videos, tapos magkaiba ‘yung itsura nung videos tsaka nung pictures,” sey ni Jessy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Luis at Jessy noong February, 2021 sa isang intimate wedding ceremony sa Batangas. Sa ngayon, marami na ang nag-aabang sa pagbubuntis ni Jessy, kabilang na nga riyan ang nanay ni Luis na si Ate Vi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending