Mga magulang ni Sarah Lahbati bumisita sa DOJ, bakit kaya?

Mga magulang ni Sarah Lahbati bumisita sa DOJ, bakit kaya?

Pauline del Rosario |March 02,2024
facebook
share this

Mga magulang ni Sarah Lahbati bumisita sa DOJ, bakit kaya?

Pauline del Rosario - March 02, 2024 - 11:49 AM

Mga magulang ni Sarah Lahbati bumisita sa DOJ, bakit kaya?

PHOTO: Instagram/@abdel_lahbati

MATAPOS ang kumpirmasyong hiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, usap-usapan naman ngayon sa social media ang mga magulang ng aktres.

Marami kasi ang na-curious sa Instagram post ni Mommy Esther na may picture kasama si Daddy Abdel habang nasa harap ng establisyemento ng Department of Justice (DOJ).

Spotted din sa litrato ang dala nilang white folder na tila may lamang mga dokumento.

Caption niya, “Finally, na-post ko na rin itong picture na ‘to. Taga-rito ako sa Philippines [pero] ngayon lang ako nakapagpa-picture dito sa DOJ.”

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Estrella Lahbati (@estherlahbati)

Hindi idinetalye ng ina ni Sarah kung ano ang purpose ng pagtungo nila sa DOJ building, pero maraming netizens ang lalong naintriga matapos i-like ni Mommy Esther ang ilang mga komento na kaugnay sa “marriage problem” ni Sarah at Richard.

Mababasa rin sa comment section na maraming fans ang nagpaabot ng suporta sa aktres, ilan lamang sa mga mensahe nila ay: “Praying for you and [Sarah]”, “Fight for what is right”, at “I will always support Sarah no matter what.”

Noong March 1 lamang nang kumpirmahin ni Sarah na single na siya ngayon at hiwalay na sila ng asawang si Richard.

“Uhm, yeah. I mean, there’s nothing to hide and I think it’s pretty clear to the public that both of us are [single],” pagbabahagi ni Sarah sa naging interview with Kapamilya entertainment reporter na si MJ Felipe.

Magugunitang inamin rin ng aktres sa panayam naman with MJ Marfori na hindi na sila nag-uusap ng dating mister.

Bukod pa rito, nauna nang ibinandera ni Sarah sa Instagram na humiwalay na siya ng bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang kumalat ang chikang tila break na ang celebrity couple matapos mapansin ng mga netizens na hindi na madalas mag-post ng pictures ang dalawa.

Mas tumindi pa ang chika nang magkahiwalay na mag-post sina Sarah at Richard ng bonding nila noong Halloween.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending