Albie game makatrabaho uli si Kathryn: 'Why would I say NO?

Albie game na game makatrabaho uli si Kathryn: ‘Why would I say NO?’

Ervin Santiago |February 29,2024
facebook
share this

Albie game na game makatrabaho uli si Kathryn: ‘Why would I say NO?’

Ervin Santiago - February 29, 2024 - 12:01 AM

Albie game na game makatrabaho uli si Kathryn: 'Why would I say NO?

Albie Casino at Kathryn Bernardo

“WEIRD” para kay Albie Casino ang mga nababasang chika na may mga fans na gustong buhayin ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo.

Diretsahang sinabi ng aktor na hindi na siya umaasang babalik pa ang tambalan nila ni Kathryn na unang nakilala at sumikat sa remake ng classic Kapamilya series na “Mara Clara.”

“I doubt that’s gonna happen na. Especially since I’m no longer an ABS-CBN artist, so I don’t think that…” ang biting pahayag ng binata sa panayam sa kanya kahapon sa mediacon ng bago niyang Vivamax Original, ang trilogy sex-drama movie na “Eks.”

Natanong si Albie tungkol dito dahil nga si Kathryn dahil nga wala nang ka-loveteam ngayon ang aktres matapos hiwalayan nila ni Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Star Music artist Cool Cat Ash allergic sa romantic love, natatakot ma-in love nang bonggang-bongga

Solo na ngayon ang Box-Office Queen kaya pwede na siyang i-partner kahit kanino kaya naman naisip ng ilang netizens na baka posibleng mabuhay uli ang Albie-Kathryn tandem.

Sey ni Albie, medyo nawiwirduhan siya sa nasabing idea, “I find it weird that people still ask me that.”

Pero kung sakaling may offer sa kanya na makatrabaho uli si  Kathryn, game ba siya sa challenge?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


“Why would I say no, ‘di ba? I don’t say ‘no’ to work in general so why would I say ‘no’ to work with her?” sagot ng aktor.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Albie ang unang ka-loveteam ni Kathryn sa “Mara Clara” at in fairness, naging mainit naman ang pagtanggap ng manonood sa kanilanag tambalan.

After “Mara Clara”, bibigyan sana sila ng ABS-CBN ng follow-up project, ang “Growing Up” pero pumutok ang balitang nabuntis umano niya si Andi Eigenmann.

Baka Bet Mo: Male celeb inaatake ng depresyon: ‘Medyo hindi stable ang utak niya ngayon, meron siyang pinagdaraanan’

Ang ending, ibinigay kay Daniel ang kanyang role hanggang sa sumikat na nga ang KathNiel loveteam.

Samantala, muling mapapasabak sa hubaran at churvahan si Albie sa pelikulang “Eks” kung saan makakatambal niya ang next Vivamax Queen na si Yen Durano.

Ka-join din sa naturang trilogy movie sina Felix Roco, Audrey Avila at marami pang iba mula sa direksyon nina Omar Deroca, Sigrid Polo at Roman Perez, Jr.. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa March 1.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aside from “Eks”, napapanood din si Albie sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending