Daniel Padilla, Elly Buendia may bonggang collab: Secret muna!

Daniel Padilla, Elly Buendia may bonggang collab: Pero secret muna!

Ervin Santiago |February 14,2024
facebook
share this

Daniel Padilla, Elly Buendia may bonggang collab: Pero secret muna!

Ervin Santiago - February 14, 2024 - 06:10 AM

Daniel Padilla, Elly Buendia may bonggang collab: Pero secret muna!

Daniel Padilla at Elly Buendia

EXCITED na ang Kapamilya actor-singer na si Daniel Padilla sa mga next projects niya sa ABS-CBN ngayong 2024.

Pagkatapos niyang mag-sign uli ng exclusive contract sa Kapamilya Network, ibinalita ni DJ na marami siyang mga pasabog na sorpresa para sa kanyang mga fans.

Isa na nga riyan ang kaabang-abang na collaboration nila ng singer-songwriter at OPM icon na si Ely Buendia.

“I’ll have something with Ely Buendia. May mga gagawin. Secret pa. Secret muna,” ang pagbabahagi ni Daniel sa interview ng ABS-CBN.

Isa sa pagkakaabalahan ng ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo ngayong Year of the Wood Dragon ay ang pagbabalik niya sa music scene. Looking forward na raw siya sa muling paggawa ng mga concert.

Baka Bet Mo: Daniel kay Kathryn: Hindi mawawala sa puso ko lahat ng pinagsamahan natin

Pero bago raw ito, nais muna niyang magkaroon ng mga bagong kanta kung saan pwede niyang ibandera ang kanyang new sound, “Madali lang magput-up ng concert. New music muna.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, kinumpirma rin ni DJ na matutuloy pa rin ang dark comedy movie nila ni Zanjoe Marudo na “Nang Mapagod si Kamatayan” pati na ang pelikula nila ni John Arcilla na “The Guest.”

Baka Bet Mo: Michelle Dee inamin na ‘open secret’ ang pagiging bisexual, aprub kay Melanie Marquez: She never made me feel there’s something wrong

Bukod dito, mukhang pinaplantsa na rin ang pagsasamahan nilang proyekto ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na isa sa mga bumati sa kanya pagkatapos niyang pumirma uli ng kontrata sa ABS-CBN.

Ayon kay DJ, nag-usap na sila ni Marya tungkol dito, “I just want to do ‘yung mga movies na talagang sapul, sapul sa puso. It doesnt mean about love, I made too much movies about love. Let’s make something different.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling pelikulang ginawa ni Daniel ay ang award-winning film na “Kun Maupay Man It Panahon” kasama ang veteran actress na si Charo Santos Concio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending