Erik, Julie Anne sinagot ang tanong na, 'Yumabang ka na ba?'

Erik, Julie Anne sinagot ang tanong ni Boy na, ‘Yumabang ka na ba?’

Ervin Santiago |February 28,2024
facebook
share this

Erik, Julie Anne sinagot ang tanong ni Boy na, ‘Yumabang ka na ba?’

Ervin Santiago - February 28, 2024 - 08:11 AM

Erik, Julie Anne sinagot ang tanong ni Boy na, 'Yumabang ka na ba?'

Erik Santos at Julie Anne San Jose

YUMABANG at umangas ba ever sina Julie Anne San Jose at Erik Santos nang maabot nila ang estado nila ngayon sa entertainment industry?

Maituturing na ring icons ang tinaguriang Asia’s Limitless Star at Philippines’ Prince of Pop sa kani-kanilang henerasyon dahil na rin sa kanilang mga achievements.

Sa guesting nina Julie Anne at Erik sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” natanong nga sila nang diretsahan kung may pagkakataon ba sa kanilang career na yumabang sila o nag-feeling superstar.

Baka Bet Mo: Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: ‘Di naman kailangan…selos yarnnnnn?

Unang sumagot si Julie Anne, “Ako, hindi ko inisip ‘yun, hindi ko in-attempt. I mean, siguro kung may iyayabang man ako, siguro ‘yung confidence ko, dinadala ko siya sa performance like sa stage.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erik Santos (@eriksantos)


“‘Yun siguro ‘yung sense sa akin ng pagyayabang. Kasi iba ‘yung yabang na ‘O, ito na ako.’ I’m not it,” dagdag pa niya.

Nagpakatotoo naman si Erik sa pag-aming naranasan niya ito sa isang bahagi ng kanyang showbiz career.

“Sa tingin ko po. May moments sa career ko na ‘Okay lang sa aking ma-late.’ Pero sandali lang po ‘yun sa period ng career ko,” rebelasyon ni Erik.

Ngunit madali rin naman daw itong nagbago, “Ngayon, talagang nirerespeto ko ‘yung oras ng mga nakakatrabaho ko. So hangga’t maaari, hindi ko nale-late.”

* * *

Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na “Stolen Life,” napa-reminisce si Kapuso actress Carla Abellana sa naging journey ng kanilang programa.

Inalala niya sa isang Instagram post ang “8 months of taping” at “3 months of airing” ng show. Talaga namang very successful ang run nito at consistent ang high ratings kada hapon.

Baka Bet Mo: Erik Santos inaming kinuwestiyon din ang Diyos sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang: ‘Hindi pa rin kami makapaniwala sa nangyari…’

Komento pa ng ilang netizens sa post ni Carla, “Stolen Life is one of the best in GMA Afternoon Prime! The cast really did their best, that’s why kuhang-kuha ang atensyon ng bawat manonood!

“Mami-miss namin ‘to! Lagi naming inaabangan! Pasabog ang kuwento hanggang dulo!” aniya pa.

Hanggang saan kaya aabot ang kasamaan ni Farrah (Beauty Gonzalez)? Magkakaroon pa ba ng happy ending sina Lucy (Carla) at Darius (Gabby Concepcion)?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag bibitiw sa huling linggo ng “Stolen Life,” 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending