Jc de Vera yumabang, umangas simula nang maging kapamilya | Bandera

Jc de Vera yumabang, umangas simula nang maging kapamilya

Ambet Nabus |May 10,2014
facebook
share this

Jc de Vera yumabang, umangas simula nang maging kapamilya

Ambet Nabus - May 10, 2014 - 03:00 AM


NAKAKATUWA naman yung ginawang pag-amin ni JC de Vera na noong nasa GMA 7 siya ay nakilala siya as an actor, pero nu’ng lumipat daw siya sa TV5, nawala daw yun at ngayong nasa ABS-CBN na siya, sumikat siya.

Siguro sa mga hindi nakasubaybay sa karir ng aktor ay sasabihin nilang hambog ito o mayabang, pero dahil naniniwala ka-ming ibinase niya sa karanasan ang mga naging pahayag niya, mas kumbinsido kaming nagpapakatotoo lang ang aktor.

No offense meant naman talaga sa TV5 na in all fairness ay sumugal ng bongga sa karir ni JC (sa drama man, hosting o comedy), talagang nag-iba ang ningning ng kanyang karir du’n despite the so many projects for him.

Agree din kaming noong nasa GMA 7 siya at kahit may isang show lang siya sa network, eh talaga namang kilala siya kahit saan magpunta.

May angas mang kasama, but still totoo naman kasi ngayong nasa ABS-CBN na siya eh “visible” siya sa mas maraming mga tao worldwide kaya’t napapansin ang kaguwapuhan at husay niya sa pagganap, thus nasabi niyang “sumikat” siya sa Dos.

Sa gabi-gabi naming pagtutok sa The Legal Wife kung saan nakikipagsabayan siya ng galing kina Angel Locsin, Maja Salvador at Jericho Rosales, alam naming mas marami pang kagayang projects na darating for him.

Eh siya rin pala ang bida sa Moon of Desire na tuwing hapon naman napapanood kaya’t suwerteng matatawag ang aktor.
Hindi lang kami sure kung nagbago na rin ng panlasa ang aktor pagdating sa mga kaibigan niya sa entertainment press dahil napakatagal na ring panahon na hindi namin siya nakakausap.

Noon kasing presson ng Regal movie na “So It’s You”  (showing na ngayon) kung saan siya ang ka-triangle nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ay hindi namin ito nakita kaya’t hindi namin siya nakahuntahan.

Marami na rin kasi kaming na-witness na mga artista na kapag nakakaranas ng mga bonggang bagay na meron ngayon si JC ay tila mga diyos na ang  tingin sa sarili. Sana, hindi yun applicable sa kanya.

( Photo credit to jc de vera official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending