Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: 'Di naman kailangan...selos yarnnnnn? | Bandera

Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: ‘Di naman kailangan…selos yarnnnnn?

Reggee Bonoan |October 12,2021
facebook
share this

Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: ‘Di naman kailangan…selos yarnnnnn?

Reggee Bonoan - October 12, 2021 - 05:50 PM

Erik Santos at Angeline Quinto

KAPALITAN namin ng mensahe ang mang-aawit na si Erik Santos habang sinusulat namin ang balitang ito.

Ikinuwento namin sa kanya na may boyfriend na pala si Angeline Quinto base sa pag-uusap namin sa mediacon nitong Lunes ng gabi para sa 10-part concert series niyang “10Q.”

Sagot namin kay Erik sa sinabi niyang laging nauudlot ang kanyang lovelife, “Ano ba ‘yan lagi na lang. May BF na pala si Angeline kayo pa naman ang gusto kong magkatuluyan.”

“Ha-hahaha! Ayos lang Ate ang mahalaga naging mabuti kaming magkaibigan ni Angge (praying hands and heart emojis),” sagot ng binatang minsan ay naging parte rin ng buhay ni Angeline.

“Isang taon na pala si Angeline at ng non-showbiz boyfriend niya, nagkakilala na ba kayo?” balik-tanong namin kay Erik.

“Hindi pa. Di naman kailangan. Ha-hahaha! Selos yarnnnnn??? (laughing emoji),” mensahe nito sa amin.

Anyway, nabanggit ni Angge na isa si Erik sa espesyal nitong panauhin sa kanyang “10Q” concert sa The MET na magsisimula ngayong Okt. 29 kaya tinanong namin kung ano ang kakantahin nilang dalawa.

“Yes po, ‘yung Parang Tayo Pero Hindi,” kaswal na sagot ng dalaga.

Ang awiting “Parang Tayo Pero Hindi” ang nanalong 5th Best Song sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016 na isinulat ni Marlon Barnuevo na in-interpret naman nina Michael Pangilinan at Angeline Quinto.

Pinakinggan namin ang kanta at binasa ang lyrics na tugma talaga sa naging espesyal na relasyon nina Erik at Angge.

Lalo na ang una at ikalawang stanza na, “Ano pa ba’ng hanap? Di ba’t wala naman hadlang? Higit sa magkaibigan, Ngunit damdami’y may puwang

“Di ko malaman kung anong mayro’n sa atin, Hindi masabi kung ikaw nga ba ay akin?

“Parang tayo, pero hindi, Natatakot na magkamali. Nabubulag at nabibingi

“Bakit okay lang na parang tayo, Pero hindi?

“Kaya’t puso’y ‘di mapakali. Nagtitiis kahit may pait sa ganitong…Parang tayo… Pero hindi, Parang tayo… Pero hindi.”

Kaya sabi namin kay Erik, bagay na bagay sa kanila ni Angge ang lyrics.

Samantala, regular na napapanood si Erik sa “ASAP Natin ‘To” at bago magtapos ang 2021 ay maglalabas siya ng Christmas song na isinulat ni Jonathan Manalo na malapit nang mapakinggan sa online stream.

Abala siya ngayon sa pagre-record ng mga kanta para sa isang special project sa 2022 na hindi pa niya binanggit kung ano.

“Busy din po ako sa online events at malapit na po magbalik ang Tawag ng Tanghalan (TNT) Season 6 sa It’s Showtime (isa siya sa mga hurado).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lilipad din ako kasama sina Yeng (Constantino), K Brosas, Sam Milby at Catriona Gray papuntang Dubai this December para sa isang malaking musif festival para sa mga kababayan natin doon.  At nagpa-plano na rin po kami for a US concert Tour next year,” kuwento ni Erik.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending