Sam Verzosa nangalakal ng basura sa blog

Sam Verzosa nangalakal ng basura kasama ang pamilya sa ilalim ng tulay

Antonio Iñares |February 27,2024
facebook
share this

Sam Verzosa nangalakal ng basura kasama ang pamilya sa ilalim ng tulay

Antonio Iñares - February 27, 2024 - 06:03 AM

Sam Verzosa nangalakal ng basura kasama ang pamilya sa ilalim ng tulay

Sam Verzosa nangalakal sa ilog

SUMAMA ang kinatawan ng Tutok to Win Party-list na si Sam “SV” Verzosa sa pang-araw-araw na hamon na kinakaharap ng pamilya Diaz, na naninirahan sa ilalim ng tulay.

Pinatuloy ng pamilya Diaz sa kanilang tahanan si Cong. Verzosa at isinama sa pangangalakal ng basura sa ilog at pagtitinda ng sampaguita.

Sa pagsama ng TV host at public servant sa pamilya, hindi lamang natutunan ni Cong. Verzosa kung paano gumawa ng sampaguita kundi nasaksihan din niya ang sipag at tiyaga ng pamilya sa pangongolekta ng recyclables.

Kabilang na riyan ang mga plastik at lata, mula sa mga basura na itinapon sa ilog na ibinebenta naman nila sa isang junk shop.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


“Matagal na po kaming nagtitinda ng sampaguita at nakakatuwa po na makita si Sir Sam na tinutulungan niya kami gumawa. First time niya daw po makita kung paano ito ginagawa,” pahayag ni Melody.

Baka Bet Mo:  Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy

Hanga si SV sa tibay ng loob ng pamilya Diaz at tiyaga sa pag-iipon sa alkansya kaya tinulungan niya ang mga ito na makapagbukas ng bank account bukod pa sa dagdag na tulong pinansyal.

Sam Verzosa habang nangangalakal ng basura sa blog

“Talagang iniipon nila yung mga kinikita nila sa pangangalakal. Nakakatuwa kasi nakikita mo yung saya at fulfillment sa paghulog ng mga bata ng barya sa alkansya. Kaya naisip ko tulungan sila mag-open ng kanilang bank account,” pahayag ni Cong. Verzosa.

Nagbigay din siya sa pamilya Diaz ng grocery package at mga bagong school supplies para sa mga bata upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa paaralan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


Napuno ng tuwa si Melody, “Sobra-sobra po ito s?Sir. Malaking tulong po ito, parang nananaginip po ako. Bibigyan ko rin po mga kapitbahay ko.”

Upang tugunan ang pangmatagalang pangangailangan ng pamilya, binigyan ni SV ng isang tindahan ng gulay sa palengke ang pamilya Diaz, na magbibigay sa kanila ng permanente at pangmatagalang solusyon sa kanilang suliranin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

@samverzosaofficial ang aming mga munting regalo para sa Pamilya Diaz.. Nawa’y matupad ninyo ang Inyong mga pangarap 💫 Have a Blessed Sunday Everyone 💫❤️ #DearSV #Purpose ♬ original sound – Sam Verzosa


“Dito po sa programa natin na Dear SV, pangmatagalang solusyon ang binibigay natin. Mahirap kasi yung magbibigay ka lang. Mauubos din yun eh. Dapat tutok tayo sa kanilang pag angat, para win tayong lahat,” aniya.

Saksihan ang kwento ng pamilya Diaz sa “Dear SV”, tuwing Sabado 11:30 ng gabi sa GMA 7, at online sa YouTube channel ng GMA Network.

Sam Verzosa nangalakal ng basura kasama ang pamilya sa ilalim ng tulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending