Senior citizens bidang-bida sa mga tatakbong mayor ng Maynila

Senior citizens bidang-bida sa mga tatakbong mayor ng Maynila

Reggee Bonoan - December 11, 2024 - 05:58 PM

Senior citizens bidang-bida sa mga tatakbong mayor ng Maynila

ANG mga senior citizen ng Maynila ang isa sa nagtulak kay Mahra Tamondong para kumandidato bilang mayor sa nasabing lungsod.

Aware si Ms. Mahra o Mahra Lorraine Tamondong na malalaking pangalan sa larangan ng politika ang makakalaban niya sa pangunguna ng kasalukuyang mayor na si Dra. Honey Lacuna-Pangan, ang nagbabalik na si Isko Moreno, si Tutok To Win Partylist Rep. Sam Verzosa at ang aktor na si Raymond Bagatsing, apo ni Ramon Bagatsing, Sr. na dating mayor ng Maynila (1971-1986).

Pero hindi siya natatakot o nag-aalangan dahil buo ang loob at puso niya para tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga senior citizens na na]!pabayaan daw ngayon.

Baka Bet Mo: Sam Versoza planong tumakbo sa Maynila sa darating na eleksyon?

Ang paliwanag ni Ms. Mahra, “Ang pagtakbo kong mayor ang unang nagsulong sa akin ay ‘yung mga senior citizen dahil ako ay senior citizens advocate na hindi ako tumigil sa pagtulong even after 2022 elections.

“Nakita ko po kasi ‘yung mga kakulangan sa mga programa sa seniors na feeling neglected o hindi napapansin. Ang biggest challenge po sa akin ay ang programa ko na gusto kong maibaba, ‘yung direktang benepisyo sa lahat ng programa at ‘yung personal touch para taumbayan sa lungsod ng Maynila,” aniya.

Dagdag pa, “Tinatanong ako kung natatakot ba ako sa kanila (apat na kandidato bilang mayor), hindi ako natatakot sa kanila dahil ang pakiramdam ko po ay sila ‘yung pader na hindi matibay. Alam ko na dapat ang isang maglilingkod ay ‘yung totoong magmamahal talaga at magmamalasakit.

“Dahil ang kulang po sa Maynila ay ‘yung paglilingkod na totoo na hindi lang nakikita during elections at hindi lang nakikita during the campaign at hindi lang dapat magpabida sa harap ng kamera, dapat sa likod din ng kamera,” ang sabi pa.

Nabanggit ni Mahra na magkakilala sila ni Raymond Bagatsing dahil nasa iisang partido sila noong tumakbong vice mayor ang huli at konsehal naman ang una pero hindi niya itinuturing na kalaban ito dahil hindi niya alam na kakandidato rin palang mayor ngayon ang aktor.

“Personally wala akong kilala sa kanila, si Isko once ko lang na-encounter through common friends at vice mayor pa lang siya noon, si Mayor Honey na-encounter ko siya recently lang dahil naimbitahan ako sa isang organization na nagkasabay kaming dalawa at saka nu’ng pareho kaming nag-Hermana Mayor sa Buling-buling selebrasyon ng Sto. Niño sa Pandacan (Manila). Hindi kami nagkausap,” sabi niya.

Binalikan namin ng tanong si Ms. Mahra tungkol sa senior citizens dahil marami kaming kakilalang senior na natulungan ni Yorme Isko noong panahon niya kaya paanong nasabing napabayaan sila?

“Sorry to say pero para sa akin hindi po siya totoong tumutulong dahil halos lahat ng senior citizen ay nakasama ko for almost three years, lahat ng senior citizen walang pambili ng gamot at pupunta sa health centers walang (stock) na gamot, pupunta ng hospital walang gamot at ilang ayuda na P500 ay delayed pa ng 4 to 6 months,” kuwento ni Ms. Mahra.

Kung ang sinasabi na almost three years nakasama ni Ms. Mahra ang senior citizens ay hindi na ito panahon ni Yorme Isko kundi sa pamumuno na ito ni Mayor Honey, tama po ba?

Pareho sina Mahra at Sam Verzosa o SV na senior citizens ang dahilan kung bakit sila tatakbong mayor.

“Pasensiya po ah, kasi honest po ako, ako talaga ‘yung nauna sa mga senior citizens at makikita naman ito sa records dahil 2022 pa lang ay bumaba na po ako, ako po ‘yung tumulong sa National Commission of Senior Citizens o NCSC, nilapitan po ako ng ahensiya bilang indibidwal na tumutulong,” sabi pa.

Binanggit namin sa panahon ng eleksyon ay ang natatandaan ng mga botante ay ‘yung mga kasalukuyang nag-aabot sa kanila ng tulong tulad ng pera, groceries at pangkabuhayan na siyang ginagawa ni SV na ayon sa kanya ay galing sa sarili niyang bulsa.

Pero pinalagan ito ni Mahra dahil may pondo raw ang partylist ni SV kaya posibleng doon galing ang ipinamamahagi niya kapag naglilibot siya sa piling lugar ng Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sabi namin uli, nagbenta ng mga mamahaling sasakyan si SV para dagdag pondo sa ginagawa niyang pagtulong at sa kanyang kandidatura.

Hindi na sumagot si Ms. Mahra sa tanong namin bagkus ay napangiti na lang siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending