Sam Versoza planong tumakbo sa Maynila sa darating na eleksyon?
STAR-STUDDED ang 62nd birthday celebration ng dating Metro Manila Development Authority at Metro Manila Film Festival chairman na ngayo’y Department of Interior and Local Government Secretary na si Atty. Benhur Abalos, Jr na ginanap sa EDSA Shangri-Lah nitong Biyernes ng gabi, July 19.
Ang inabutan naming dumaan sa red carpet na may kinalaman sa entertainment ay sina IdeaFirst CEO and director, Perci M. Intalan, ang aktor na si Will Ashley, Belo Medical Group owner and CEO, Dra. Vicki Belo with husband Dr Hayden Kho, Aivee Clinic owner, Dra. Aivee Aguilar-Teo and hubby Dr. Z’Shen Teo, at Tutok to Win party list representative, Sam Verzosa. Hindi naman dumaan sa red carpet si Quantum Films producer Atty. Joji V. Alonso at iba pang celebrities na nagmadaling pumasok sa loob ng venue.
Hindi kasama ng kongresista ang girlfriend niyang si Rhian Ramos dahil hindi raw sila nagkita sa rami ng ginawa’t dinaluhan niyang events bukod pa sa abala rin ang aktres sa kanyang work.
Bago pumasok si Cong. Sam sa loob ng venue ng party ay tinanong namin kung totoong kakandidato siyang mayor ng Maynila.
Mabilis niyang sagot, “Yes, tatakbo ako, yes!”
Baka Bet Mo: Kutsero sinorpresa ni Sam Verzosa; SV sumabak sa pagkakalesa
Hirit namin kung kailan niya ito ia-anunsyo “Sa October.”
Kaya pala sa nakaraang launching ng SineSigla sa Singkuwenta or 50th ng Metro Manila Film Festival ay may naringgan kaming nag-uusap na kakalabanin ni Sam o SV ang mga beteranong politiko sa Maynila, ang kasalukuyang Mayor na si Dra. Honey Lacuna-Pangan at ang nagbabalik sa pagka-mayor na si Isko Moreno.
Nabanggit din ito ng aming mga kasamahan sa panulat na taga-Maynila na naglilibot nga raw siu SV at namamahagi ng tulong at dumadalo sa mga events ng nasabing siyudad kasama ang karelasyong si Rhian.
Batang Sampaloc naman talaga si Sam kaya may karapatan din naman siyang maglingkod sa kababayan niya at kaya pala pinost niya ang bahay kung saan sila tumirang mag-anak simula bata siya.
Going back to sec Benhur ay gusto rin niyang ipaalam sa mga bisita niya ang tatlong foundation na binuo niya para makatulong sa mga kababayan natin.
Nangunguna ang CiaraMarie Foundation – dedicated to building more schools in remote provinces and addressing the needs of children on the autism spectrum.
Next ang Kwarto Ni Neneng* – a sanctuary for abused women and children.
at ang ikatlo ay ang BIDA – focusing on drug rehabilitation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.