Wish ni Karla kay Via: Gusto kong magkaroon siya ng partner

Wish ni Karla kay Via Veloso: Gusto kong magkaroon siya ng partner

Ervin Santiago |February 20,2024
facebook
share this

Wish ni Karla kay Via Veloso: Gusto kong magkaroon siya ng partner

Ervin Santiago - February 20, 2024 - 08:55 AM

Wish ni Karla kay Via Veloso: Gusto kong magkaroon siya ng partner

Via Veloso at Karla Estrada

PINU-PUSH nang bonggang-bongga ni Karla Estrada ang dating sexy actress na si Via Veloso na maging bukas uli sa pagkakaroon ng bagong dyowa.

Ibinuking ng TV host-actress na parang nawalan na kasi ng pag-asa ang kanyang kaibigan na pumasok uli sa isang seryosong relasyon dahil sa mga naranasang pagkabigo sa larangan ng pag-ibig.

Nitong nagdaang Sabado, sumalang si Via sa segment na “ExPecially For You” ng Kapuso variety show na “It’s Showtime”. Ilang taon na ring single ngayon ang aktres.

Baka Bet Mo: Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Pahayag ni Momshie Karls, “Actually si Via hindi lang kami magkaibigan ha, magkamag-anak kami matagal talaga siyang nagpahinga.

“Kahit na sinong ipakilala ko, hindi siya ‘yung tiwala niya talaga totally naapektuhan doon sa pagtitiwala niya pagdating sa pag-ibig sabi,” chika pa ng nanay ni Daniel Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by viaveloso (@viaveloso)


Dugtong pa niya, “Pero may mga anak naman siya, sabi niya ‘Okay na ako ate, may mga anak naman na ako’, pero siyempre nararamdaman ko siya kapag nandiyan kami.

“Na lahat kami may mga partners ng mga pinsan niya, tapos siya ang partner niya ang bote, I mean ‘yung wine niya tapos sasabihin ko, ‘V ano na?’ Tapos sabi niya, ‘Okay lang yan ‘te’,” sey pa ng TV host.

Ayon pa kay Karla, hindi siya napapagod na paalalahanan at payuhan si Via na muling buksan ang puso sa bagong relasyon lalo pa’t pitong taon na rin siyang single.

Baka Bet Mo: Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

“Mahirap ha, kasi ang mga anak natin ay tatanda rin, at tayong mga magulang iiwanan rin tayo pagtanda natin katulad ng ginawa natin sa mga magulang natin.

“Kumbaga, magkakaroon tayo ng sarili nating mga buhay so, gusto ko pa rin sa kanya na magkaroon siya ng partner na makakasama niya habangbuhay ‘di ba?

“Hindi naman siya puwedeng nasa akin na nandoon lang siya although okay lang naman but, I want her to be happy doon sa aspeto na ‘yun ng pag-ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iba ‘yun hindi ko maibibigay ang klase ng happiness pagdating sa love, ‘di ba?” ang sey pa ni Karla Estrada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending