Bakit ayaw ni Romnick Sarmenta na makipaghalikan at makipag-love scene sa serye at pelikula?
NAG-EXPLAIN ang award-winning actor na si Romnick Sarmenta kung bakit ayaw niyang makipaghalikan at gumawa ng love scenes sa telebisyon at pelikula.
Maraming ibinigay na rason ang lead star ng 1st Summer Metro Manila Film Festival entry na “About Us But Not About Us” kung bakit hindi siya tumatanggap ng mga proyektong kailangan niyang maghubad at makipag-sex scene.
Ayon sa aktor, na mahigit apat na dekada (46 years) na ngayon sa mundo ng showbiz, ang una niyang inaalala ay ang makakatambal o leading lady niya sa pelikula o teleserye.
“Personally, hindi ako comfortable. Ayokong may masasabi ang kaeksena ko.
View this post on Instagram
“Pangalawa, sometimes, hindi kailangang ipakita nang actual, in my own perspective. There are so many ways na puwedeng ipakita in a very symbolic manner,” paliwanag ni Romnick nang makachikahan ng BANDERA at ilan pang members ng showbiz press nitong nagdaang Sabado after naming manood ng “About Us But Not About Us” sa Gateway cinema.
Binalikan ng aktor ang rape scene na ipinagawa sa kanya sa drama anthology ng ABS-CBN na “Calvento Files” na idinirek ni Lauren Dyogi.
Baka Bet Mo: Romnick Sarmenta sa pagtanggap ng gay role sa ‘About Us but Not About Us’: I realized how good the piece was
Hindi raw niya nabasa agad ang script ng kuwento kaya nagulat siya na sa mismong araw ng taping ay nalaman niya na may ganu’n palang eksena
Tinanong ni Romnick si Direk Lauren kung pwedeng wala na lang yung rape scene, pero ipinaliwanag sa kanya na kailangang-kailangan daw talaga ang eksenang yun kasama ang dating sexy actress na si Via Veloso.
“So, bago namin i-shoot yung scene, ipinaliwanag ni Direk, sa harap ni Via kung bakit kailangan itong gawin, para malinaw din sa kanya,” aniya pa.
Natanong si Romnick kung may konek ba sa religion ang kanyang paniniwala hinggil dito, “I guess, part of it. I was born Catholic, I studied in a Catholic school, but a lot of it comes from me. Normal decency of treating actresses with equal or more than the actors.
View this post on Instagram
“Of course, lahat naman equal, pero mas may mawawala sa kanila kaysa sa akin. I’m not sure if I’m old school, I think, I’m just being me,” aniya pa.
Samantala, marami ang nagsasabi na malakas ang laban ni Romnick at ng co-star niya sa “About Us…” na si Elijah Canlas na manalong best actor sa gaganaping 1st Summer MMFF Gabi Ng Parangal.
“Hindi naman talaga ako ‘yung tipo na gumagawa ng pelikula para magka-award. Kung bibigyan, salamat sa Diyos, pero kung hindi, salamat pa rin. Kung ano ang gusto Niya, okay na okay sa akin.
“Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng nananalangin at sa lahat ng nagsasabi at nagpe-predict, that for me is already a big honor na.
“Para sa akin, ang pinakamalaking achievement na siguro, ‘yung well-received ‘yung pelikula mo, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa,” aniya pa.
Paolo Gumabao, Vince Rillon mas nadaliang makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae, anyare?
Eleksyon hugot ni Romnick: Paano ba pumili ng kandidato? Gusto n’yo ba ng barumbado o pilosopo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.