Mga artista, direktor sanib-pwersa sa paglaya ni Jade Castro

Mga artista, direktor, producer sanib-pwersa sa paglaya ni Jade Castro

Ervin Santiago |February 19,2024
facebook
share this

Mga artista, direktor, producer sanib-pwersa sa paglaya ni Jade Castro

Ervin Santiago - February 19, 2024 - 02:54 PM

Mga artista, direktor, producer sanib-pwersa sa paglaya ni Jade Castro

Khalil Ramos, Jade Castro at John Lloyd Cruz

NAGSANIB-PWERSA na ang mga artista, direktor at iba pang personalidad sa entertainment industry para sa paglaya ng filmmaker na si Jade Castro.

Nanawagan ang mga taga-industriya ng pelikula at telebisyon para sa pagpapalaya kay Jade matapos ipag-utos ng piskalya ang pagsasampa ng kasong arson sa direktor at sa tatlo pa nitong kasamahan.

Inakusahan sila na siyang nasa likod umano pagsunog sa isang modern PUV sa Catanauan, Quezon.

Sa ginanap na “Cinema at Katotohanan: Usaping Pelikula at Isyung Panlipunan” na inorganisa ng Free the Artist Movement, naniniwala ang mga naroon na walang kasalanan si Direk Jade.

Baka Bet Mo: CinePanalo Film Festival babandera na sa 2024, bukas sa lahat ng direktor, talentadong estudyante

Mensahe ng premyadong direktor na si Joel Lamangan, “Mailabas man lang si Jade sa kulungan. Pinagbibintangan siya sa bagay na hindi niya ginawa. bilang kasapi ng industries tumulong tayo sa paglabas kay Jade.”


Nag-post naman sa kani-kanilang social media accounts ng kanilang mensahe ang ilang celebrities para sa agarang pagpapawalang-sala sa nakakulong na filmmaker.

Ayon sa Kapuso star na si Khalil Ramos, “One of the kindest directors i’ve ever worked with. So generous with his craft & knowledge. Kaka miss mga kwentuhan natin direk! Kelan na next?? #FreeDirekJade.”

Sabi ng Kapamilya direktor na si Mae Alviar-Cruz, “I’ve only had a chance to meet Direk @castrojade eons ago in a brainstorming session at Star Cinema. I hope there will be a chance to meet him again and exchange ideas with him like we did before. Praying he and his companions are safe.”

Baka Bet Mo: Pag-aresto kay Direk Jade Castro, 3 iba pa kaso ng mistaken identity?

Ayon naman kay Direk Jun Robles Lana, “It’s been 16 days since Jade Castro and his companions have been arrested for a crime they clearly did not commit.”

Ito naman ang panawagan ng film producer na si Moira Lang, “Dear Jailed este Jade Castro…

“Pati ba naman sa paglaya mo late ka pa rin? Tsk! Labinlimang araw–aba, matagal ka pa sa average number of shooting days ng pelikulang Pinoy ah!

“Ayan. Inip na si JLC  Pakyu daw. Uwi na mamaya ok?

“Love, Moira,” aniya pa.

Pahayag ng Kapamilya actor na si RK Bagatsing, “Direk @jadefranciscastro ano na! Miss ka na namin lahat dito.
“Ilang months din tayo nagkasama sa last project natin. Pinaka naalala ko every after scene na trinabaho natin, tinatanong ko kung okay na sayo yun, parang kulang, baka kailangan mo pa ng isa, parang may mali sa ginawa ko, in short, madalas akong mag-overthink…

“Lagi mo sinasabi, ‘ang harsh mo sa sarili mo no? Wag. Good take yon.’ Haha malaking tulong yun pag maingay yung utak ko that day. Ganun kasimple na message goes a long way. Salamat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya sana matapos na ‘yan para makagawa pa tayo ng iba pang projects together. Takits soon! At saka niya tinapos sa hashtag na “Free Direk Jade.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending