Dolly de Leon nakiisa sa panawagang palayain si Jade Castro

Dolly de Leon nakiisa sa panawagang palayain si Jade Castro

Therese Arceo - February 18, 2024 - 02:06 PM

Dolly de Leon nakiisa sa panawagang palayain si Jade Castro

Dolly de Leon

MAGING ang international award-winning actress na si Dolly de Leon ay sumuporta saxpabawagant palayain na ang direktor na si Jade Castro.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang artcard ng panawagan para palayain na ang direktor.

“Dear Jade, Wala tayong photo together na nasa kin, wala tayong messages exchanged between each other pero tuwing nagkikita tayo sa mga ganap, mga play, pelikula at kung anumang paandar meron sa world, lagi akong masaya pag nakikita kita,” panimula ni Dolly.

Aniya, magaan raw ang pakiramdam niya pagdating sa direktor dahil mula noon ay laging warm ang approach nito sa kanya.

Baka Bet Mo: Liza Soberano inspirasyon si Dolly de Leon para tuparin ang Hollywood dream

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dolly de Leon (@dollyedeleon)

Pagbabahagi pa ni Dolly, “All our mutual friends have nothing but good words to say about you. And because of that and my own experience of you, I know you’re one of the good people we’re lucky enough to have in this crazy world.”

Napatanong pa nga ito kung kailan niya makakatrabaho ang direktor at sana raw ay “soon”.

“Uwi ka na please. Pauwiin nyo na si Jade. PLEASE,” pakiusap pa ni Dolly.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nanawagang mga artista at kilalang personalidad para palayain si Jade.

Bukod kay Dolly, nangalampag rin sina Khalil Ramos, Gab Pangilinan, at iba pa mula sa film indistry na palayain na ang direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang naaresto si Direk Jade kasama ang tatlo nitong kasamahan  noong February 1 habang nagbabakasyon sa Quezon Province.

Nasangkot kasi sila sa umano’y pagsunog ng isang modernized utility jeepney na mariing itinanggi ng direktor dahil nasa kabilang bayan sila nang mangyari ang insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending