Dolly De Leon, 4 pang Pinay pasok sa ‘50 over 50: Asia 2024’ ng Forbes
NAPABILANG ang award-winning actress na si Dolly De Leon sa “50 over 50: Asia 2024” list ng American magazine na Forbes.
Para sa kaalaman ng marami, taon-taon nagkakaroon ng ganitong listahan ang Forbes kung saan pumipili sila ng 50 CEOs, founders, and innovators mula sa 14 countries ng Asia-Pacific.
Puro mga kababaihan ang kinukuha nila na may malaking impluwensya pagdating sa fashion, pharmaceuticals, finance, at marami pang iba.
Ayon sa American magazine, kinilala nila si Dolly dahil sa mahusay niyang pagganap sa 2022 film na “Triangle of Sadness” na nakakuha ng mga nominasyon sa ilang prestihyosong awarding events mula sa iba’t-ibang bansa.
Maliban sa batikang aktres, tampok rin sa nasabing listahan ang apat na negosyanteng Pilipino.
Baka Bet Mo: Halo-halo, Pinoy sorbetes kabilang sa ‘World’s Best Frozen Desserts’
Isa na riyan ang Ayala Land CEO na si Anna Margarita Dy, ang first female owner ng isa sa largest property developer ng Pilipinas.
Si Anna ang kaisa-isang Pinay sa “20 outstanding female business leaders in Asia in 2023” ng Forbes magazine.
Nakasama rin ang Puregold co-owner na si Susan Co na ayon sa magazine, patuloy na lumalaki at sumisikat ang supermarket chain na mayroon nang 300 stores nationwide.
Si Susan din ang vice-chair ng Cosco Capital, isang retail holding company na may mga stake sa commercial real estate at mga negosyo sa pamamahagi ng alak.
Kinilala rin si Miriam Coronel-Ferrer, ang kauna-unahang babae na nanguna sa peace panel ng ating gobyerno.
Si Miriam ay dating political science professor sa University of the Philippines na namuno sa peace negotiations kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Hindi nagpahuli sa listahan si Esther Go ng electronic health-tech firm Medilink na kumokonekta sa mahigit 200,000 physicians sa mahigit dalawang milyong pasyente ng Pilipinas.
Si Esther din ang nagsisilbing director ng ilang malalaking korporasyon sa bansa, kabilang na ang Equicom Health Services, Equicom Savings Bank, at Security Bank.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.