CinePanalo Film Festival babandera na sa 2024, bukas sa lahat ng direktor, talentadong estudyante | Bandera

CinePanalo Film Festival babandera na sa 2024, bukas sa lahat ng direktor, talentadong estudyante

Ervin Santiago - August 10, 2023 - 11:19 AM
CinePanalo Film Festival babandera na sa 2024, bukas sa lahat ng direktor, talentadong estudyante

SIGURADONG maraming mae-excite at matutuwang filmmaker sa bagong film festival na babandera sa bansa sa darating na 2024.

Ang tinutukoy namin ay ang Cine Panalo Film Festival na bukas sa lahat ng mga amateur at professional directors pati na rin sa mga estudyante na nangangarap maging filmmaker in the future.

May temang, “Kwentong Panalo ng Buhay”, ang Cine Panalo filmfest na isa sa mga pasabog na sorpresa at suporta ng Puregold sa movie industry na magaganap sa March, 2024.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TVJ Productions Inc. (@tvjofficial)


Itinuturing na pinakamalaking production grant ang CinePanalo Film Festival kung saan limang baguhan at propesyonal na direktor ang makatatanggap ng tig-P2,500,000 para sa Full-Length Film category at 25 estudyanteng filmmaker naman ang mabibigyan ng tig-P100,000 para sa kategoryang Short Film.

Maaari nang mag-submit ng entries ang mga nais lumahok sa [email protected]. Kailangan lamang na ito’y original, wholesome, inspiring, at family oriented films at pasok sa “Kwentong Panalo ng Buhay” ang tema.

“Nais naming mabigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng CinePanalo ang mga bata at talentadong filmmaker na naghihintay lamang ng kanilang break.

Baka Bet Mo: Premyadong filmmaker selos na selos sa baguhang direktor: Mas marami pa kasing project kesa sa kanya

“Hangad namin na ang tulong-pinansiyal at ang exposure na makukuha nila mula rito ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon para abutin pa ang kanilang mga pangarap,” ayon kay Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club Inc..

Naghahanap ang CinePanalo Film Festival ng mga kuwentong nakaaantig ng puso, alinsunod sa opisyal na tema nito. Susuportahan ng festival na ito ang mga likha na nagtatampok ng mga pagpapahalaga sa pagmamahal, pamilya, at pag-asa.

Pahayag ni Chris Cahilig, ang tatayong festival director, “Gusto naming mag-iwan ng ligaya sa mga makapapasok na entry–pakiramdam na naibibigay lamang ng mahusay na mga pelikula. Nasasabik na kaming makita ang mga magagandang kuwentong ibabahagi ng mga lokal na direktor sa publiko.”

Ipalalabas ang mga nakumpletong pelikula sa isang festival na itatanghal ng tatlong araw sa Gateway Cinemas mula Marso 8-10, 2024.

Ipo-post naman ang short films sa opisyal na mga page ng Puregold sa social media, at sa Puregold Channel sa YouTube. Itatampok ang mga ito kasama ng mga sikat na retailtainment serye ng Puregold, gaya ng “GV Boys”, “Ang Babae sa Likod ng Face Mask”, at “Ang Lalaki sa Likod ng Profile.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Cahilig (@chriscahilig)


“Kailangan ng mga tao ng mga pelikula na makabuluhan sa buong pamilya. Sa panahong bayolenteng paksa o makamundong pagnanasa ang laman ng mga pelikulang aksesibol sa mas maraming mga tao, magpopokus ang CinePanalo Film Festival sa mga kuwentong may puso at may pag-asa,” sabi pa ni Chris Cahilig.

Sinabi pa ng pamunuan ng CinePanalo na susuriing mabuti ng mga miyembro ng selection committee ang mga entry upang makahanap ng mahuhusay na mga direktor na makapapasok sa lineup ng festival sa Marso.

Para sa mga interesadong aplikante, mag-email lamang sa [email protected] upang makatanggap ng mga materyal na kinakailangan para mag-apply. Lahat ng aplikasyon ay dapat maipadala bago ang October 27, 2023. Isasapubliko ang shortlist ng mga napiling direktor sa November 6, 2023.

At dahil endorser ng Puregold ang TVJ, natanong kung may posibilidad bang magbida sina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon sa ilang entries na mapipili. Sagot ni Chris, depende ito sa istorya at availability ng TVJ.

Kauna-unahang TikTok series na ’52 Weeks’ pagbibidahan nina Jin Macapagal at Queenay Mercado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending