'Ang Parangap Kong Oskars' nina Paolo at Joross tribute sa filmmakers at producers: Gusto naming ipakita kung gaano kahirap gumawa ng pelikula' | Bandera

‘Ang Parangap Kong Oskars’ nina Paolo at Joross tribute sa filmmakers at producers: Gusto naming ipakita kung gaano kahirap gumawa ng pelikula’

Reggee Bonoan - June 25, 2023 - 04:59 PM

'Ang Parangap Kong Oskars' nina Paolo at Joross tribute sa filmmakers at producers: Gusto naming ipakita kung gaano kahirap gumawa ng pelikula'

Paolo Contis at Joross Gamboa

MUKHANG nakakontrata si Paolo Contis sa movie outfit na MAVX Productions dahil nakailang pelikula na ang aktor sa nasabing produksyon na pag-aari ni Lucky Blanco.

O, baka kasi “lucky charm” ni Ginoong Lucky si Paolo dahil ang “A Faraway Land” noong 2021 kasama ang girlfriend na si Yen Santos ang isa sa biggest hits ng Netflix Philippines sa nasabing taon.

Ang latest ng MAVX Productions ay ang comedy-fantasy thriller na “Ang Parangap Kong Oskars” na pinagbibidahan ni Paolo, kasama sina Kate Alejandrino, Faye Lorenzo, at Joross Gamboa. Si Jules Katanyag ang direktor nito at showing na sa June 28 sa mga sinehan.

Hindi nakarating sa ginanap na screening at mediacon ang iba pang cast members tulad nina Jon Santos, Long Mejia at Yukii Takahashi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Going back to Paolo, producer ang karakter niya sa “Ang Pangarap Kong Oskars,” direktor si Joross at line producer naman si Kate.

Base sa napanood namin sa ginanap na screening ng pelikula sa SM North The Block ay parang hindi naman umaarte ang tatlong bida. Sa kuwento, nangangarap silang makagawa ng pelikulang magpapanalo sa kanila sa Oskars.

Kaya sa mediacon ay natanong sina Paolo at Joross kung ano ang matututunan sa pelikulang “Ang Pangarap Kong Oskars.”

Sabi ni Paolo, “Wala (matutunan), ginawa namin ang pelikulang ito pero wala kaming lesson na iniisip. Para ito sa film production na gusto lang naming ipakita kung gaano kahirap gumawa ng pelikula.

“Medyo ni-lousy lang namin ‘yung ideas pero basically tribute namin ito sa filmmakers at producers na nahihirapan at sa totoo lang po, panay kalokohan lang ang mga naisip naming gawin to make a fun movie nagkataong ang daming pera ng MAVX (natawa) pero gusto lang naming mag-enjoy ang manonood,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Bakit tinawagan ni Joross si Arjo habang nasa kalagitnaan ng operasyon?

Si direk Jules naman ang nagsalita, “Ano nga ba ang lesson? Because of friendship (natawa). Minsan kasi kapag mayroon tayong gustong mangyari sa buhay natin kailangan nating magsakripisyo at kung ano ang halaga ng sakripisyo na ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)


“Sa mga filmmakers at producers malaki talaga ang halaga no’n. Malaking sakripisyo kapag may mga gustong mag-filmmaking ang mga bata (estudyante), kasi you pay a high price para magkuwento ng kuwento, in-exaggerate lang namin,” lahad ng direktor.

Say naman ni Joross, “Add ko lang, to inspire sa mga gustong gumawa ng pelikula na after ninyo ito mapanood siguro kaya n’yo na. Ha-hahaha! Gusto rin naming mailayo ang mga kabataan sa drugs. Sumasalamin ito sa industriya na hindi basta-basta ang pag-produce ng pelikula.”

Sang-ayon naman kami sa paliwanag ng tatlo na hindi talaga biro ang mag-produce ng pelikula dahil suntok sa buwan ito lalo na sa panahon ngayon pagkatapos ng pandemya ay hindi na naibalik ang dating 80% na kumikita ang local movies, kaya ano ang garantiya ng producers na maibabalik ang puhunan nila?

But inspite all these ay nakagugulat na marami pa ring indie producers at filmmakers na gumagawa ng pelikula, naalala tuloy namin ang nakausap naming direktor na dahil sobra niyang passion ang pagdidirek ay maaga niyang hiningi ang “mana” niya sa magulang niya para ipanggastos sa dream movie niya, sad to say hindi kumita ang pelikula niya.

Going back to direk Jules nu’ng matapos niyang sulatin ang script at mabuo at naisip niya kung sino ang magpo-produce ng pelikula kaya laking pasalamat niya sa MAVX dahil sinugalan sila.

Samantala, parehong mahusay sina Paolo at Joross pero nagsabi ang huli na inalalayan siya ng una sa pelikulang ito kaya’t grateful siya na napili para makasama sa “Ang Pangarap Kong Oskars.”

Birong sagot ng aktor, “Actually wala nang choice, eh (tumawa naman si Joross). Ayaw tanggapin nu’ng nabasa ang script, si Joross lang, buti hindi niya binasa um-oo lang siya at habang ginagawa namin ‘yung movie saka siya nagsisi. Joke lang!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Pero sa seryosong usapan ay matagal na raw pinangarap ni Paolo na makatrabaho si Joross sabay kuwento na maraming tinanungang artista ang aktor kung magaling na artista ang nag-iisang Joross Gamboa.

“Totoo ‘to, lagi kong tinatanong tapos nagdirek pa siya ng pelikula kaya tinatanong ko, ‘magaling bang umarte ‘yan bakit nagdirek siya ng pelikula?’  Finally, napanood ko kasi siya sa ibang pelikula kaya (sa isip ko) isa siya sa gusto kong makatrabaho kaya nu’ng nabasa ko ang script, sabi ko bagay talaga ito kay Joross.

“Masarap ka-work si Joross sobrang collaborative niya, ang daming suggestions bordering to pakikialam pero okay lahat (at) nakikinig pero mabait.

“At saka kung sinabi niya inalalayan ko, same rin naman ang pakiramdam ko kasi hindi rin naman ako makakapagbigay kapag hindi siya nagre-receive ng maayos, comedy naman talaga teamwork ‘yan, so, sana magkaroon (ng Oskars award) buhay pa naman kami, so kahit paano,” sabi pa ni Paolo.

Komento naman ni Joross, “Tama lahat ng sinabi niya (Paolo). Thankful naman kami sa MAVX na gumawa nito kasi hindi naman ito ‘yung the usual na napapanood sa panahon ngayon lalo na ‘yung digital na ang daming napapanood ng mga tao, this is one way na kaya rin nating makipagsabayan ng mga kakaibang palabas.”

Sa tanong kung ano ang pipiliin nila, box office o Oskars at agad sumagot si Paolo ng, “Oskars” para matapos na ang laging tanong ng lahat kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa napapansin ang mga pelikula ng Pilipinas sa Oscars o Academy Awards na ginaganap taun-taon sa Amerika.

Anyway, successful ang ginanap na red carpet screening ng “Ang Pangarap Kong Oskars” sa SM The Block dahil dinaluhan ito ng mga kilalang artista tulad nina Patrick Garcia, Adrian Alandy, Rocco Nacino, Jason Abalos, Kokoy de Santos, Royce Cabrera, Roadfil Macasero, Cassy at Mavy Legaspi, Alexa Miro, buboy Villar, Kimpoy Feliciano at Jason Abalos.

Kahit isang fun, horror movie ito, naniniwala ang mga bida ng pelikula na ang pagkakamit ng Oscars recognition bilang Best International Foreign Film ay hindi mananatiling mailap na pangarap.

Base rin sa research ng ay ilang araw bago ilunsad ang promo ng latest MAVX film, nalathala ang truths at facts mula sa Wikipedia at Google na ang Pilipinas ay may 33 films na sinabmit sa Academy/Oscars mula pa nu’ng 1953, pero hindi pa ito nabibiyayaan maski ni isang nominasyon sa Best International Film Feature.

Star Magic, MavX Productions sanib-pwersa para sa 3 pasabog na pelikula sa pagpasok ng 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joross Gamboa: Mahirap maging magulang pero sa pagpapalaki ng anak, kailangang magkakampi ang ama’t ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending